Advertisers

Advertisers

‘ Di ako reserbang gulong lang’ – VM Honey Lacuna

0 316

Advertisers

“HINDI ako reserbang gulong lang”.

Ito ang mariing pahayag ni Manila mayoralty candidate Vice Mayor Honey Lacuna sa kaniyang pagtakbo bilang alkalde ng lungsod, kahalili ni Mayor Isko Moreno, na tumatakbo naman ngayon sa pampanguluhang halalan.

Sa mismong grand proclamation rally ng lokal na partidong Asenso Manileño na ginanap sa Earnshaw St., Sampaloc Manila ay labis ang pagkamangha ni Lacuna dahil sa tinatayang 100,000 kataong dumalo sa nasabing pagtitipon.ng lokal na partido Asenso Manileño na dinaluhan ng halos 100,000 kataong dumalo sa pagtitipon.



Ayon kay Lacuna, na isang doktora, parte siya ng mga polisiya at mga programa na ipinatupad sa siyudad bilang ‘presiding officer’ ng Sangguniang Panglungsod, at siya ang nanguna sa pagpapasa ng mga mahahalagang ordinansa at polisiya sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19.

“Hindi ako naging spare tire kailanman,” pahayag pa ni Lacuna. “Hindi ko ni minsan naramdaman na iba akong tao kasi lagi ko ngang sinasabi na iyong samahan namin ni Yorme ay higit pa sa pulitika, pangalawang pamilya na kami ni Yorme.”

Ipinagmalaki rin niya na mula 2019 hanggang 2021 ay nakapagpasa ang konseho ng 205 ordinansa habang nanguna siya sa pamamahala sa anim na district hospitals sa siyudad sa kapasidad niya bilang doktora.

Pinasalamatan rin naman ni Lacuna si Moreno sa tiwalang ibinigay sa kaniya na humalili sa posisyon.

Ayon sa bise alkalde, hindi naging basehan kay Moreno ang pagiging babae niya dahil sa paniwala nitong ang lahat ng tao ay dapat pantay-pantay.



“Ang aking taos pusong pasasalamat sa ating Punong Lungsod sa iyong pag-alalay at pagkilala sa akin bilang iyong kaagapay at di spare tire lamang,”aniya pa. “Tulad nga ng madalas mong sinasabi, dito sa Maynila, ang lahat ay pantay-pantay. Di naging batayan ang aking pagiging babae.”

Kasamang tumatakbo ni Lacuna si Congressman Yul Servo bilang bise-alkalde. (ANDI GARCIA)