Advertisers
NAPAKAGANDA ng nagagaganap sa kandidatura ni Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo dahil lumalakas at lumalawak ang suporta sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo ng bansa.
Kagit sino tao ay hindi maipag lumalabas na mga voter preference survey kung saan pumapangalawa si Vice President Leni Robredo sa anak ng diktador dahil nakabatay naman ito sa datos.
Pero, hindi natin maisasantabi ang lumalakas na pwersa ng mga sumusuporta kay Robredo na nakikita natin sa mga napakalalaking mga rally at ang humahabang listahan ng mga local leader na nag-eendorso kay Robredo.
Patunay lanang ito na umaarangkada na talaga ang kandidatura ni Robredo na kung papalarin manalo sa May 9, ay magiging pangatlong babaeng Pangulo ng ating bansa.
Maganda ang nakaraang weekend para sa kampanya ni Robredo.
Inendorso ni Cavite 4th District Representative Elpidio “Pidi” Barzaga, pangulo ng National Unity Party (NUP), si Robredo. Kasama niya ang kanyang maybahay na si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga. Malaking bagay ang pag-suporta ni Mayor Jenny dahil ang Dasmariñas ay may halos 400,000 na botante.
Nag-deklara ang mga Barzaga ng kanilang suporta kay Robredo dalawang araw lamang matapos sabihin ng NUP na sila ay para kay Marcos, Jr.
Ang mag-asawang Barzaga, nanindigan. Sinabi ni Pidi na ang kanilang pagpili kay Robredo ay base sa kanyang naging track record bilang isang public servant. Ang sabi ni Pidi, si Robredo ang pinakakwalipikadong kandidato pagka-Pangulo dahil magiging tapat ang gobyerno, at aangat ang buhay ng lahat.
Sa Imus, Cavite din, ang tumatakbong mayor na si Cavite 3rd District Rep. Alex Advincula ay nagpahayag ng kanyang suporta kay Robredo.
Lalong magandang panoorin ngayon ang Cavite dahil may Barzaga at Advincula sa isang panig at mga Remulla naman sa kabila. Matatandaan na si Cavite Gov. Jonvic Remulla, sinabing 800,000 daw ang makukuhang boto ni Marcos sa Cavite.
Sinagot naman ng mga Kabitenyo ito sa pamamagitan ng isang dambuhalang rally nuong March 4 sa General Trias City para kay Robredo at running mate nito na si Senador Kiko Pangilinan.
Halos 50,000 supporters ng tandem ang dumalo! Ang ginawang sagot ni Remulla: Inakusahan ang mga kapwa niya Kabitenyo na mga komunista raw at bayaran. Bayaran? Ganun pala kababa ang tingin ni Remulla sa mga constituents niya.
Hindi ito pinaglabas ni Robredo at ng kanyang mga taga-suporta. Tinuligsa nila ang pag-red tag sa kanila ni Remulla at sinabi na kusang dumalo ang mga tao sa rally, nag-volunteer, at nagkanya-kanyang ambag para maipakita ang kanilang suporta sa Leni-Kiko tandem.
Dumako naman tayo sa Mindanao. Hindi ito balwarte ni Robredo pero umaarangkada na rin ng suporta para sa kanya. Nuong nakaraang linggo, higanteng mga people’s rally din ang naganap sa Davao region. Walang takot na nagpakita ng suporta kay Robredo ang mga Dabawenyo.
Kahapon, inanunsyo ni Misamis Oriental 2nd District Rep. Juliette Uy at ng kanyang buong Team Unity tiket na sila ay para kay Robredo.
Si Uy ay tumatakbo bilang Misamis Oriental governor at ang kanyang katunggali na si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ay ineendorso rin si Robredo. Matatandaan na si Moreno ang unang opisyal mula sa Mindanao na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Robredo bilang Pangulo.
Matagal na rin pala na magkaibigan sina Uy at Robredo sa House of Representatives. Naging congresswoman muna ng Naga si Robredo bago siya tumakbo bilang Bise Presidente. Sabi ni Uy, napakabuti, napakasimple, at nakapakatuwid na tao ni Robredo at talagang nakatuon ito sa kanyang trabaho na maglingkod sa bayan.
Ang anak naman ni Uy na si Villanueva Mayor Jennie Mendez sinabi na nakakatulong sa marami nating kababayan ang mga proyekto ni Robredo, kabilang na dito ang pagtutok sa edukasyon, ang mabilis na pagresponde sa COVID-19 pandemic, ang mga programa ng Angat Buhay at pagsuporta sa mga kababaihan at maliliit na negosyo o ang tinatawag na MSMEs.
Sinabi naman ni reelectionist Misamis Oriental Vice Governor Joey Pelaez na prinsipyo ang pinairal ng Team Unity sa kanilang pag-endorso kay Robredo bilang Pangulo.
Para kay Pelaez, kailangan pag-alaran ng mga Pilipino ang ating kasaysayan dahil malalaman nila kung gaano kalupit ang martial law. Kung alam nila ang pagmamalabis ng martial law, magagabayan sila sa pagpili ng sino ang dapat iboto at hindi dapat iboto.
Sang-ayon tayo kay Pelaez. Tandaan natin, hindi maari magbulag-bulagan at mag-maang-maangan si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi umabuso ang kaniyang ama at ang kanilang pamilya nuong sila ang nakaupo sa pwesto ng halos dalawang dekada.