Advertisers

Advertisers

Serbisyong Leni

0 1,876

Advertisers

MAPARAAN ang paglikha sa anumang pagkakataon lalo sa pagpapaabot ng serbisyo sa kapwa na nangangailangan sa buhay. Isang opisina sa pamahalaan ang marunong tumingin sa kalagayan ng nasasakupan at kung paano makarami sa serbisyong nakaatang sa balikat. Ang mahusay na pagtimon sa opisina ng pangalawang pangulo ng bansa na nagreresulta sa maraming narating na serbisyong ibig ang siyang dapat maging modelo ng iba pang opisina sa loob o labas man ng pamahalaan. Ang OVP’y isang maliit na opisina na ang gawa’y maging isang daluyan ng pondo ng iba’t – ibang organisasyon na nais na tumulong sa mga Pilipino na nangangarap na makaahon sa hirap.

Pinagdadaluyan ng pondo ng mga korporasyon na hirap na magtungo sa mga pamayanan na nangangailangan ngunit may kakayahang magkaroon ng kabuhayan. Ang mga korporasyong ito’y may pondo upang maisagawa ang CSR o Corporate Social Responsibilities. Hindi nagdalawang puso ang OVP sa marangal na layunin ng mga korporasyong lumalapit. At babang loob na gumawa ng programa ang OVP upang masagutan ang CSR ng mga kumpanya at maibanga sa pangangailangan ng mga pamayanan na nasa laylayan ng lipunan.

Walang malayo sa serbisyong tunay ang pagnanais, at ito ang pinatunayan ng abalang pangulo na si Leni Robredo ng suungin ang isang malayong Munisipyo ng Agutaya, Hilagang Palawan. Hindi madaling dalawin ang lugar ng Agutaya na isang 5th class na bayan at sadlak sa serbisyo ng pamahalaan. Kailangan sampung oras na pagbabangka mula sa Coron, Palawan at halos parehong haba ng paglalakbay mula sa Isla ng Boracay bago marating ang bayang nabangit. Ang uri ng alon ng dagat ang magdidikta ng pagpunta sa lugar kung nais marating dahil sa peligrong haharapin kung patungo na sa bayang ito. Ang hirap sa pagtungo sa bayan ng Agutaya’y hindi naging hadlang sa abalang pangulo upang suungin ang panganib upang maihatid ang serbisyong Leni sa bayan ng Agutaya. Bayan na tunay na nalimot ng serbisyo ng pamahalaan dahil sa layo o dahil sa walang puwang na abutin ang mahigit na 12,000 katao na pinagkaitan ng pamahalaan. Ngunit hindi ang OVP at ang abalang pangulo na si Leni Robredo na personal na nagtungo upang mabatid ang kalagayan ng mga taga Agutaya.



Ano ba ang Agutaya at bakit mismong ang abalang pangulo ang nagtungo sa lugar na nabangit. Ito’y isang bayan na walang ilaw, tubig at limitadong hanapbuhay. Ang mga nakatira dito’y kulang sa kalusugan lalo ang mga bata na siyang dahilan sa pagiging bansot. Hindi basta bansot, ang kawalan ng masustansiyang makakain ang dahilan na parang huli ang mental development ng mga bata sa bayang ito kumpara sa karaniwang bata. Ang sitwasyon na nakaantig ng kalooban ng abalang pangulo na nagtulak na maglakas loob na mangalap ng pondo upang magamit na mapataas ang kalusugan ng mga bata at kabuhayan ng mga Agutayanan.

At hindi lang ang kabuhayan, sa halip isang buong programa ang inilatag upang mapunan ang kawalan ng basic services na nilimot ng nasa pamahalaan. Maidagdag pa ang paaralang sinira ng bagyo na mahigit apat na taong ang nakalipas na hindi ipinagawa. Kaya’t ang kakulangan sa lahat ang nais na mapunan ng opisina ng abalang pangulo.

Sa pagbabalik sa punong himpilan ng abalang pangulo, ‘di winalay ang namasdang kahirapan sa natunguang bayan. Nagsimula itong mangalap ng pondo na ginagamit upang mailapat ang mga programang hindi naipaabot ng pamahalaan. Salamat sa mga mabubuting puso na tumugon sa panawagan ng abalang pangulo sa pangangalap ng pondo na ipantutostos upang maibangon at magkaroon ng mga basic services sa bayan ng Agutaya.

At sa loob ng tatlong buwan ang hindi naibigay ng pamahalaan serbisyo gaya ng kuryente’y sinimulang gawin sa paglalagay ng solar panel sa mahigit na 300+ kabahayan na nagpaliwanag sa kapaligiran ng Agutaya. Isa pa lang simula ng programa at sinundan ng feeding program para sa mga paslit upang maibsan ang kakulangan sa nutrisyon ng mga batang Agutayanan.

Sa pagtigil ng abalang pangulo sa bayan ng Agutaya, nakita ang kakulangan sa mga libangan o laruan ang mga bata na ang tanging laruang gamit ay ang mga buhay na alimango na ginagawang jeep na laruan. At sa muling pagbalik ng OVP sa bayan ng Agutaya kasama ang ilang pribadong grupo, nagtayo ito ng aklatan na hindi purong libro sa halip nilakipan ng iba’t – ibang laruan na nagpasaya sa mga bata. Sa maraming taon na hindi nakakita ng mga laruan ang mga bata halos ayaw ng umuwi ng mga ito sa tahanan at ayaw ng bitiwan ang mga hawak na laruan.



Ganun din ang saya ng mga magulang na sa paglaki’y hindi rin nakahawak ng mga laruan na siyang nilalaro ng mga anak ng mga ito. Ang ligayang nakamit sa pagtungo ng OVP sa lugar nila’y tila isang biyaya galing sa itaas. Ngunit hindi pa tapos ang serbisyong Leni sa Agutaya, sa kabatiran ng kalagayan ng mga naninirahan sa bayan, binigyan pansin ng abalang pangulo ang nasirang bangka sa siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga kalalakihan ng bayan. Hindi na kailangan pang sabihin ng mga ito ang pangangailangan, nagbigay ang abalang pangulo ng mga bagong bangka na ginagamit sa paghahanapbuhay. Nabunutan ng tinik ang mga pamalakaya dahil muli na naman silang makakapalaot sa dagat upang maghanapbuhay. Hindi lang lumiwanag ang buhay ng Agutayanan, maging ang kabuhaya’y unti-unting babangon, salamat sa serbisyong Leni.

Sandali, hindi pa tapos ang serbisyong Leni, sa pagkakaroon ng liwanag o ilaw sa lugar, ang gabi ang oras ng kababaiha’y na maging produktibo sa pamamagitan ng paghahabi ng buri na ibinebenta sa malapit na Isla ng Amanpulo. Isang Isla na bantog sa mayayamang tao sa buong mundo kung saan dito makikita na sumusulpot sa bansa ang mga ito upang makita ang kagandahan ng karagatan ng bansa. At ito ang karagdagang kita ng mga Agutayanan na nahulugan ng biyaya sa pagseserbisyo ng abalang pangulo. Karagdagan, ang mga produkto sa paghahabi’y ‘di lang sa Amanpulo ibinebenta, ang OVP’y gumawa o humanap ng ilang outlet ng mga produkto ng Agutayanan upang maging tuloy tuloy ang kita ng kababaihan.

Ang naganap na pag-unlad sa isang bayan na hindi pansin ng maraming Pilipino’y isang patunay na hindi lang salita ang abalang pangulo lalo ito sa gawa. Ang buhay na patotoo’y hindi galing sa likhang isip kundi sa katotohanan na hindi tumitigil ang serbisyong Leni sa pagtulong sa sino mang nangangailangan. Mataas ang pagpapahalaga nito sa buhay at kabuhayan ng mamamayan. Ang paghahatid nito ng serbisyo, literal na inihahatid at isang patunay ng malinis nitong layon na pagsilbihan ang bayan. Walang pagmamalaking ginawa ang serbisyo sa bayan ng Agutaya sa halip tila itinago upang hindi masabing propaganda ang nagawa nito. Ilan ito sa mga malinaw na serbisyong bayan ng abalang pangulo.

Walang nagaganap na kodakan upang ipagmalaki ang iba’t – ibang serbisyong sa buong bansa kasama ang mabubuting puso nagtatawid sa pangangailangan ni Mang Juan. Ang kagandahan nito, tikom sa impormasyon ang mga ginagawang serbisyo sa halip na ipagmalaki.

Sa ganang akin, hindi pa tapos ang serbisyong Leni, patikim lang ang nailahad sa pitak na ito at asahan na ang paglawig ng mas makabuluhang serbisyo’y sa darating na panahon. Ito ang serbisyong Leni Robredo…

Maraming Salamat po!!!