Advertisers

Advertisers

Grupo ni Sniper na nagpapanggap na taga-media, hanap sa pangigikil sa Central at Southern Luzon

0 452

Advertisers

ISANG notoryus na grupo na binubuo ng walong (8) katao at nagpapakilalang mga taga-media at pinamumunuan ng isang babae na may alyas SNIPER ang umiikot umano sa mga puwesto ng mga pasugalan sa buong Central, Northern at Southern Luzon para mangikil o sapilitang manghingi ng payola para sa mga lehitimong taga-media na naka-base sa Metro Manila.

Ang modus operandi ng grupo,ay aarkila ng sasakyan na kadalasan ay van at lalagyan ito ng sticker ng isang kilalang media outfit gaya ng Manila Bulletin, Manila Standard at iba pang daily tabloids at radio stations na ang tanggapan ay nasa National Press Club (NPC) building sa Intramuros,Metro Manila.

Magdadala ito ng mga sipi ng dyaryo na kadalasan ay nagtataglay ng mga kolum o banat ng isang lehitimong kolumnista laban sa isang partikular na operator ng peryang may sugal, puwesto ng burikihan, paihi o patulo ng krudo at gasolina, saklaan at magpapakilalang sugo o emisaryo ng kanilang bitbit ng dyaryo.



Meron ding ipinapakitang pekeng identification card (ID’s) ang mga kupal na ito na karamihan ay ipinagawa lamang sa Recto Avenue.

Isa ang inyong lingkod sa ginagamit ang pangalan ng grupong ito na pinamumunuan ng isang babae na nagngangalang ELIZABETH PIGEREZ alyas SNIPER.

Nanghihingi ng malaking halaga ang grupo bilang goodwill money gamit ang pangalan ng inyong lingkod at nanghihingi rin ng lingguhang payola na umaabot ng libu-libong piso mula sa mga operators ng peryang may sugal at mga iligalistang operator naman ng PAIHI, PATULO, PASINGAW gaya ng pamosong magkapatid na sina Goto at Bogs.

Si SNIPER umano o si ELIZABETH PIGEREZ ay mula sa lalawigan ng Pampanga at naging raket na nito at ng kanyang mga kasamahan na magpakilalang taga-media at pangunahing targetin nga na hingian ng payola ang mga peryante sa buong Luzon pati na rin mga puwesto ng mga iligalista.

Pinasok na rin ng grupo ang ilang drug dens at “katayan” o carnap na sasakyan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway na sakop ng mga bayan ng Apalit hanggang San Fernando, Pampanga.



Umoorbit din at naloloko ng grupo ang ilang pulitiko at nagpapakilalang mga reporters ng dyaryo, TV at dyaryo gamit ang mga pekeng IDs.

Sobrang kakapal ng mukha ng mga ito at talagang malalakas ang loob.

Nang hihingi umano ng limang libong piso (5K) pataas sa mga alkaldeng kanilang nai-interview.

Karamihan pa sa mga ito ay niloloko at pinaiikot patungkol sa isang negatibong isyu sa kanilang area of responsibility gaya ng presensiya ng iligal na sugal sa isang lokalidad na ibinabato sa kanilang mga target na pulitiko.

Ayon naman sa isang kilalang operator ng perya, kilalang notorious ang grupong ito ni Sniper aka ELIZABETH PIGEREZ na pilit na ipinanghihingi ang ilang sikat na kolumnista, broadcasters ng mga radio, TV at dyaryo na naka-base nga sa Metro Manila.

Pati umano ang National Press Club ay kaladkad din ng grupo ni ELIZABETH aka SNIPER at nagpapakilalang tauhan ng ilang opisyales ng nasabing media organization.

Samantala, nagrereklamo rin ang ilang opisyales ng NCRPO Press Corps. na hindi na natin babanggitin pa ang mga pangalan patungkol naman sa paggamit ng ilang nagpapakilalang miyembro ng NCRPO Press Corps at nanghihingi ng payola mula sa mga perya operators sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, Laguna at iba pang lugar.

Mino-monitor na ng NCRPO Press Corps. kung sino ang pasimuno ng kalokohang ito.

Nang ating tanungin kung kilala ng mga opisyales ng NCRPO Press Corps itong si alyas SNIPER aka ELIZABETH PIGEREZ, hindi umano ito miyembro ng nasabing samahan at hindi nila ito kilala.

Sakali mang magpakilala ito o gumamit ng ID ng NCRPO Press, kaagad na ipagbigay alam ito sa kanilang tanggapan sa PNP-NCRPO Compound, Bicutan, Taguig, Metro Manila.

Inuulit natin ang panawagan sa lahat ng mga pineperwisyo ng grupong ito ni SNIPER aka ELIZABETH PIGEREZ at ng mga kasamahan nitong nagpapakilalang taga-media at gamit ang dyaryo ng Manila Bulletin, Manila Standard at iba pang daily tabloids na agad ipahuli sa pinakamalapit na himpilan ng pulis sa kasong extortion at usurpation o pagpapakilalang mga reporters ng mga legit media outlets.

Laan din tayong kasuhan ang mga ito sa paggamit sa ating pangalan at pangingikil sa ilang indibidwal.

Uulitin ko po, SNIPER po ang gamit nitong alias ngunit ang tunay nitong pangalan ay si ELIZABETH PIGEREZ ng Pampanga.

Notorious na po ang grupong ito sa pangingikil!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com