Advertisers

Advertisers

Choco Mucho pasok sa PVL semis

0 185

Advertisers

DINISPATSA ng Choco Mucho Flying Titans ang PLDT High Speed Hitters,25-21,23-25,29-31,25-15,15-11, para umusad sa semifinal round ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Filoil Flying V Center.

Pinamunuan ni Kat Tolentino ang atake ng Choco Mucho sa tinipang 19 points at Isa Molde umiskor ng 12 points. Bea De Leon nagdagdag ng eight points habang si Ponggay Gaston umayoda ng six points sa laban na tumagal ng dalawang oras at 41 minuto bago natapos.
Makakatapat ng Choco Mucho ang sister team Creamline sa Final Four.

Deanna Wong namigay ng 30 excellent sets,habang si Denden Lazaro- Revilla umaktong defensive anchor ng Choco Mucho na may 28 digs at 12 excellent receptions.



Sa panig ng PLDT, Basas umiskor ng 16 points, Dell Palomata nagdagdag ng 15. Fiola Ceballos at Jules Samonte bumakas ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para sa High Speed Hitters.