Advertisers

Advertisers

DongYan at ibang Kapuso stars, full-force sa pagiging #DapatTotoo

0 200

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BUKOD sa GMA News and Public Affairs personalities, full-force rin ang mga Kapuso celebrity sa election advocacy campaign ng GMA na ‘Dapat Totoo.’
Pinangunahan nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga bigating artista na kasama sa nasabing proyekto na ang full video ay unang umere sa TV nitong Biyernes, March 25.
Ang pagsasama-sama ng Kapuso stars ay bilang pagpapaalala sa publiko na kahit tayo ay magkakaiba, pareho pa rin ang pangarap natin para sa bansa at sa bawat Pilipino: disente at ligtas na buhay at magandang kinabukasan.
At pare-pareho rin tayong may responsibilidad mapa-kandidato, botante, o mamamahayag man: ang maging matapat, mapanuri, at patas. Dapat Totoo ika nga lalo na’t ilang araw na lang, Eleksyon 2022 na!
Kasama rin sa Dapat Totoo advocacy campaign ng Kapuso Network sina Bea Alonzo, Rhian Ramos, Jasmine Curtis-Smith, Barbie Forteza, Bianca Umali, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ken Chan, Rita Daniela, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Aicelle Santos, Glaiza de Castro, at Andrea Torres. Nauna na ang mga GMA News and Public Affairs pillars at news personality sa Dapat Totoo advocacy plug na ni-launch late last year.
***
NCAA, maswerte sa Kapuso Network
MARAMI ang nagsasabi na maswerte ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa bago nitong tahanan na GMA Network. Sa Opening Ceremonies pa nga lang ng season 97 ng first athletic league ng bansa, dama na ang importansyang binibigay ng Kapuso Network. Pinalabas kasi ito simulcast sa GMA at GTV.
Star-studded ang Opening Ceremonies na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose. Nagsilbing host naman sina Rabiya Mateo, Manolo Pedrosa, at NCAA hosts Martin Javier at Sophia Senoron. Present din sina Garrett Bolden, Thea Astley, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Jeremiah Tiangco, Nef Medina, Vilmark Viray, at Anthony Rosaldo.
Binigyang-pugay rin ang ilang atletang mula sa mga NCAA school tulad nina CJ Perez, Marvin Hayes, Caloy Loyzaga (posthumous), Francis Munsayac, Maria Aresa Lipat, Michael Saguiguit, Freddie Webb, Roger Gorayeb, Jiovani Jalalon, at Chito Victolero.
Pagkatapos ng opening ay sinundan ito ng basketball games na live na napanood sa GTV. Ilan nga sa mga comment ng mga viewer at netizen ay ang level-up coverage sa NCAA courtesy sa GTV. Iba talaga kapag umeere sa Network with widest reach.
Mapapanood ang NCAA Season 97 live basketball games sa GTV tuwing Tuesday, Wednesday, at mula Friday hanggang Sunday sa ganap na 12:00 NN. May replays ang laro tuwing Monday at Thursday sa ganap na 3 PM.
***
Teaser ng ‘Love You Stranger’ nina Gabbi at Khalil, pinusuan ng netizens
Mukhang puno ng misyeryo ang unang primetime series ng GabLil couple na “Love You Stranger”! Last Friday (March 25), pinasilip ng Kapuso Network ang teaser ng upcoming GMA Public Affairs mystery romance series na pagbibidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na may makikitang mga anino or shadow figure sa kakahuyan.
Say ng netizens, nakaka-excite at nakaka-intriga raw ang teaser. Syempre pa, hindi na magkanda-umayaw ang GabLil fans na matagal nang inaantay ang pag ere ng seryeng ito. Bukod sa impressive na animation, dapat ding tutukan ng viewers ang konsepto ng “story within a story” ng nasabing serye at ang pagtalakay nito sa mental health.
“Madaming mafi-feel sa ‘Love You Stranger,’ bukod sa romantic ito, mayroong mysterious side at thriller at angle towards mental health,” pagbabahagi ni Gabbi sa “24 Oras.”
Kasama rin sa serye sina Gil Cuerva, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Tonton Gutierrez, Carmi Martin, at Andrea del Rosario.