Advertisers
KONTROBERSIYAL ang salitang ‘red tagging’, lalo na ngayong panahon na sinisisi ng iba ang mga opisyal ng ating pamahalaan dahil dito.
Ang aking kaibigan at boss na si Under Secretary Lorraine Badoy ay sinampahan pa ng kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa isyu na ito.
Ano nga ba ibig sabihin ng salitang ito at saan ito nanggaling?
Maganda ang kasagutang nakuha ko sa aking panonood sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ipinaliwanag kasi ng isang kasusuko lamang na lider ng New People’s Army kung ano itong red tagging.
Ang sabi ni Cristoni “Jong” Monzon aka Ka-Franco, ang “red tagging” ay salitang ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang nagpa-uso. Ito raw ay para protektahan ang mga “legal fronts” na miyembro din nito gaya ng mga Partylist na Kabataan, Anak Bayan, Bayan Muna, Gabriela, Karapatan at Act-Teachers.
Nais raw ng CPP-NPA-NDF itago ang katotohanan na ang mga partylist na nabanggit ay talagang may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.
Si Monzon ay dating isang political instructor ng CPP-NPA-NDF, Regional Operations Command, ng Southern Mindanao Regional Committee. Na-recruit si Monzon noong siya’y menor de edad pa lamang at nag-aaral ng Civil Engineering sa University of Mindanao, sa Davao City. Labing-tatlong taon siya namalagi sa poder ng kilusan ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA- NDF.
13 years na napaloob at nasira si Monzon ng maling paniniwala sa idelohiya ng mapanglinlang na komunistang-teroristang samahan ng CPP-NPA-NDF. Paano niyang di malaman ang kahulugan ng red tagging?
So kung ganun pala, na galing sa komunistang-terorista ang salitang red tagging, ano pa ang pinagpuputok ng mga butsi ng iba?