Advertisers
Advertisers
Advertisers
MAYROON tayo na bilyon-bilyong natural gas reserves sa Liguasan Marsh na ipinangako ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ domagoso na lilinangin at pauunlarin kung papalaring manalong pangulo sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022.
“I will see to it that the natural gas deposit in Liguasan Marsh will be fully developed … para hindi tayo laging dependent on imported fuel na laging tumataas ang presyo,” sabi ni Yorme Isko, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko sa kanilang kampanya, Marso 30, Miyerkoles sa Iligan City, Lanao Del Norte.
Sa ginawang survey, nabatid na umaabot sa 68 billion cubic feet ng natural gas ang makukuha sa Liguasan Marsh.
Posible pa na may matuklasang depositong langis at coal kung palalalimin ang paghuhukay, ayon kay Yorme Isko.
Sa tantiya ng gobyerno, ang depositong gas ay magkakahalaga ng mula sa $1 bilyon hanggang $52 bilyon.
Sinabi pa ni Isko na ang natural gas sa Mindanao ang maaring magligtas sa bansa na araw-araw ay kailangang gumamit ng langis at petrolyo.
“Malaking gaang ito sa atin sa araw-araw kung ating made-develop nang husto ang nakadepositong natural gas sa Liguasan Marsh,” sabi ni Yorme Isko sa media.
Hindi na rin gaanong aasa ang bansa sa inaangkat na petrolyo na nagpapahirap sa karaniwang mamamayan ang lagi nang pagtaas ng presyo nito.
Aabot sa mahigit na ₱2 billion ang panimulang badyet sa pag-uumpisa ng pagtuklas ng depositong natural gas sa lawak na 220,000-ektaryang Liguasan Marsh sa hanggahan ng mga probinsiya ng Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat.
Nabatid na binigyan ng Regional Board of Investments (RBOI) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng provisional registration ang ES Maulana Global Ventures Company Inc. na galugarin at hanapin ang mga deposito sa Liguasan Marsh at sa Sulu Sea.
Sa ngayon, wala pang naibibigay na award at service contract ang Department of Energy (DOE) sa Maulana. (BP)