Advertisers

Advertisers

Tuloy ang laban ni Pacman kahit…

0 178

Advertisers

Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.

TALAGANG palaban ang isa sa presidential aspirants na si Senador Manny Pacquiao. Kahit napag-iiwanan na siya sa mga survey ay hindi parin daw siya aatras, itutuloy niya ang laban hanggang eleksyon.

Ang nagretirong world boxing champ ay pang-lima lamang sa mga survey sa presidentiables na pinangungunahan ni Bongbong Marcos Jr., sumunod si Vice President Leni Robredo, at malayong nakabuntot sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Ping Lacson.



Para kay Pacman, “fake” ang mga numero sa survey. Kasi nga sa kanyang mga rali ay dinudumog naman siya ng mga tao. Oo nga. Hehehe…

Pero sabi ng mga political analyst, ang pinupunta ng mga tao sa rally ni Pacman ay ang pamamahagi niya ng P500 o kaya’y P1000. Mismo!

Sabi ng campaign manager ni Pacman na si “Buddy” Zamora, hindi totoo ang kumakalat sa social media na aatras na ang Pambansang Kamao at susuporta nalang kay Robredo na humahabol kay Marcos sa mga survey.

Ganito rin ang sabi ni Lacson, hinding hindi siya aatras kahit malayo siya sa survey. Naniniwala siyang ang “bayad” ang survey. At ang tunay na survey ay sa Mayo 9. Oo nga!

Kunsabagay si Robredo na hindi lumalabas sa survey noong 2016 ay nanalong Bise Presidente laban kay BBM na siya ring frontrunner noon.



Dito nga sa natitirang 37 days ng kampanya ay umaarangkada na si Robredo, mukhang madadale na naman niya si Marcos. Araguy…

Oo! Sa mga People’s rally ni Robredo ay kitang kita ang pagkulay rosa ng lugar na pinagdadausan, kahit pa sa balwarte ng mga kalaban. Grabe! Kaya naman ang mga traditional politician na reelectionist na gusto makatiyak ng political accomodation ‘pag nanalo si Robredo ay nagtalunan na sa kampo ng Leni-Kiko. Ang tawag sa kanila ay political butterfly. Makakapal ang mukha. Hehehe…

Kawawa nga si Lacson sa ginawa nina Davao del Norte Congressman Bebot Alvarez at Makati City Congressman Monsour del Rosario, iniwanan siya sa ere. Biglang tumalon ang dalawa sa bangka ng Leni-Kiko. Tsk tsk tsk…

Asahan pa natin na marami pang kandidatong trapo ang magpapalit ng kulay sa mga susunod na araw. Nakikiramdam pa ang mga yan sa ngayon kung sino ang mas winnable sa pagka-pangulo. Dalawa nalang naman ang inaabangan sa presidentiables, sina Robredo at Marcos. Mismo!

***

Grabe ang mga kandidatong trapo. Halos punuin nila ng tarpaulins ang mga kalye. Mantakin mo higit tatlong dekada ka na sa politika ay gusto mo parin tadtarin ng campaign paraphernalias ang mga lugar.

Kung tutuusin ang mga trapo ay hindi na kailangan pang maglagay ng pagkarami-raming tarps kasi kilalang kilala na sila eh. Right?

Sa tingin ko, kaya pinupuno ng tarps ng mga trapong reelectionist ang kalye ay dahil sila mismo ay hindi bilib sa kanilang accomplishments o wala talagang ginawa nang sila’y nasa puwesto kundi ang mangurakot. Mismo!

Ang mga botante ay dapat nang mag-isip ngayon. Hindi na nila dapat iboto ang mga trapo lalo kung hindi ito nagpakita noong kasagsagan ng pandemya.

Ibasura na ang mga trapo, ihalal ang mga bago. Yes!