Advertisers
NAKAKAGULAT na bigla na lamang lumutang ang pangalan ng namayapang Mayor Fred Lim sa isyu ng Divisoria Mall.
Binatikos ng mga opisyal ng Manila City Hall ang pagtatangka ng ilan na palabasing tinitira ni Mayor Isko Moreno ang dalawang dating mayor ng Maynila na patay na.
Ayon kay City Administrator Felix Espiritu, walang sinuman sa City Hall, lalo na si Mayor Isko, ang nagbanggit ni minsan ng pangalan ni Mayor Lim ke sa mga interview man o sa press release, sa usapin ng Divisoria Mall.
Nilinaw ni Espiritu na ang tangi nilang nabanggit ay waland dili’t iba kundi si dating Mel Lopez, Jr., na ama ni Alex na tumatakbong mayor at siya ding nagbunsod para mabungkal ang naging papel ng kanyang tatay sa isyu. Aniya, tanging si dating Mayor Lopez lamang ang pumasok sa kontrata na nagtali sa kamay ng lungsod para magtaas ng renta at naging dahilan upang kailanganing ibenta ang nasabing property.
“The City has no intention to malign the reputation of the former Mayor Gemiliano Lopez, Jr., believing that his intention was for the best interest of the city at that time, without expecting the repercussion in the future. However, due to the malicious and baseless insinuation and accusation of Mr. Alex Lopez in trying to project himself as more pious than the Pope, we have no alternative, but to reveal the onerous contract entered into by his father, which eventually forced the Asset Management Committee (AMC) to recommend the disposition of the subject property, being the least beneficial to the City,” aniya.
Aniya, si Mayor Lopez ay nakipag-kontrata sa Linkworld Construction and Development Corporation noong March 13, 1992, para upahan ang 8,000 square-meter Divisoria property sa murang halaga na P20 per square meter kada buwan, sa loob ng 25 taon, na may 10 percent increase ng upa kada tatlong taon.
Sa 25 taon, P57 million lang o wala pang P3 million kada taon ang nakulekta ng lungsod.
Nang dumating ang pandemya at kinailangan ng lungsod ng malaking halaga para pang-ayuda sa 700,000 pamillya sa Maynila, nag-imbentaryo ang Asset Management Committee (AMC) ng patrimonial properties ng Maynila at inirekomenda ang pagdispatsa sa Divisoria property yaman din lamang at lugi naman ang Maynila dito.
Sabi ni Espiritu, walang naging papel si Mayor Lim sa kontratang ikinalugi ng lungsod kalaunan dahil si Mayor Lopez lang ang pumasok doon.
Binatikos niya din si Congressman Manny Lopez na nag-akusa kay Mayor Isko na iniiwasan ang katanungan “by imputing malice on the acts of former Mayor Fred Lim or former Mayor Mel Lopez.”
“If there is anyone imputing malice here, it is Rep. Lopez. Dragging the name of Mayor Lim unjustly is a form of deflecting the fact that it was solely his father who entered the contract that led to the Divisoria property falling into the list of least beneficial patrimonial properties thus justifying its disposition.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.