Advertisers

Advertisers

Ateneo Blue Eagles dinurog ang Adamson Falcons

0 165

Advertisers

NAITALA ng defending champion Ateneo University ang kanilang ikatlong sunod-sunod na tagumpay sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament, 78-47, sa paghampas sa Adamson University kahapon Huwebes sa Mall of Asia Arena.

Pinamunuan ni Ange Kouname ang opensa ng Blue Eagles sa iniskor na 13 points, at 10 rebounds upang mapanateli ang kanilang spot sa tuktuk ng standings na 3-0.

Ang tagumpay ay ika-29th na sunod-sunod na panalo ng Katipunan side para maanteling walang bahid sa UAAP simula noong October 2018.



Lahat ng 14 Blue Eagles na inilatag ni coach Tab Baldwin ay umiskor ng two points at bilang paghahanda bago ang kanilang rivalry game kontra La Salle sa Sabado.

“Those games are behind us already. We want to put games behind us and push to the La Salle game as 0-0. It’s the only game that matters now,” Wika ni Baldwin.

Chris Koon nagpasabog ng 2 triples at nagtapos ng nine points,five rebounds, at two assists, habang si Tyler Tio nine points,three dimes at two rebounds.

Fortsky Padrigao at Gab Gomez nag-ambag ng tig- 8 puntos, Habang si Raffy Verano umiskor ng eight points at four rebounds sa tagumpay.

Sa panig ng Falcons, walang Adamspn player na umiskor ng double figures sa kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa tatlong laban.



Lenda Dounga umiskor ng six points at 10 rebounds,Habang si Keith Zaldivar six points para sa Soaring Falcons na nagtala lang ng 29 percent shooting.