Advertisers

Advertisers

Kris hinamon si Greta nang magparunggit sa namatay nang parents at utol

0 417

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMI pa rin ngang umaasa na makapag-wo-work together sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Mauuna pa ngang makasama ni Bea si Alden Richards sa isang serye na Korean adaptation.
Tagumpay na maituturing si Bea sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, mapa-career at lovelife.
Sa ngayon ay ‘di lang nga local project ang nasa isipan ni Bea.
Libre nga raw mangarap at di naman din imposible kung ipu-push.
Dream din kasi ni Bea na makagawa ng International film with Hollywood actor na choice ng actress na makatrabaho nito.
Marami na nga raw nagpu-push sa reunion project sana nila ni Lloydie pero ‘di pa raw talaga iniadya.
Isinantabi muna ang Bea-Lloydie project kaya naman huma-Hollywood muna ang aktres.
Si Bradley Cooper daw ang gusto nitong maka-work if ever mabigyan ng chance at pangarap talaga ng aktres na makagawa ng International project. Hmmmp!?
***
KUMASA kaya si Gretchen Barretto sa hamon ni Kris Aquino matapos nitong buweltahan ang bagong pilantrapo na nagbigay tulong sa mga sabungero.
Sa pagsali ni Kris sa rally sa Tarlac para kay VP Leni ay pinatutsadahan ito ng maaanghang na salita ni Gretchen.
Kaya resbak ni Kris ay hinahamon niya si Gretchen kahit isama pa niya ang kanyang mga supporter.
Anytime at anywhere ay alam naman daw ni Gretchen kung paano siya kontakin.
“Huwag mo nang idamay ang mga magulang at kapatid ko, dahil di na nila maipagtatanggol ang kanilang sarili.
“Never kang sinaktan nila,” sey pa ni Kris na pinatitigil si Gretchen sa kakakuda.
Sila nga raw ang magtuos at huwag mandamay ng mga wala na sa mundo.
Kaya ‘yan, gusto mo ng away Gretchen, hinahamon ka ni Kris.
Tanong, kakasa ka ba Gretchen!?
Sa kabilang banda, busy si Gretchen sa pagmumudmod ng relief packs na galing sa kanyang bulsa para itulong din sa mga sabungero.
Well, well, well…’Yun na!