Advertisers

Advertisers

E-sabong sanhi ng lumalalang krimen sa bansa – Cayetano

0 205

Advertisers

TAHASANG sinabi ni Senatorial Candidate at dating House Speaker and Senator Alan Peter Cayetano na nais niyang ipagbawal ang E-sabong o anumang online gambling sa bansa dahil nagiging sanhi ito ng ilang krimen sa bansa.

Aniya, kung kailangan naman ng pamahalaan na kumita kailangang itama nito ang sistema ng mga online gambling.

Sinabi ni Cayetano na kung ang pagbabasehan ang kasalukuyang kita ng pamahalaan, makitang isang tao lamang ang nakikinabang dito kung di ang mga operators na mga nagkokontrol sa mga agent o ahente ng naturang operasyon na nagiging dahilan ng pagkalugi ng pamahalaan.



Ikinumpara naman ni Cayetano ang e-sabong sa lotto na kung saan napupunta ang kita nito sa pamahalaan sa pamamagitan ng direktang babayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at direkta sa PCSO ang nagkokontrol sa mga ahenteng napagkalaoob ng lisenya na mag-operate ng Lotto.

Tinukoy ni Cayetano na sa loob ng limang taon, kikita lamang ang pamahalaan ng P7.68 bilyong piso kumapara sa kinikita ng mga e-sabong operator na P36 bilyong piso na kinabibilangan ng P18 bilyong piso mula sa kanilang operasyon at P18 bilyong piso para sa siguradong kita.

Dagdag pa ni Cayetano na walang sinumang malalaking negosyo o negaoyante sa bansa ang kayang kumite ng isang bilyong piso sa loob ng isang taon.

Dahil dito iginiit ni Cayetano na kung hindi talaga kaya tanggalin ang naturang e-sabong, dapat na maging baligtad ang sistema nito na dapat ang kumikita ng P36 bilyon ang pamahalaan.

Kaugnay nito nanawagan si Cayetano sa kanyang mga kapwa kandidato sa ibat-ibang puwesto na sa sandaling alukin sila ng ilang operator ng e-sbaong kapalit ng kanilang pananahimik o pagsuporta huwag naman nilang isaalang-alang ang kapanakan ng bayan.



Inamin ni Cayetano na noong House Speaker siya, mayroong nag-alok sa kanya ng malaking halaga kapalit ang pananahimik ukol sa e-sabong subalit kanya itong tinaggihan.

Aminado naman si Cayetano na mayroong banta sa kanyang buhay ukol sa pagsasalita dito.

Sinabi pa ni Cayetano na kawawa ang taong bayan na nalululong sa mga online gambling na nagiging masahol pa sa isang taong nalulong sa iligal na droga na gumagawa ng malagim na krimen at pagnanakaw.