Advertisers
Ni WALLY PERALTA
DESIDIDO na si Nadine Lustre na baguhin ang kanyang career image pagkatapos niyang gawin ang pelikulang “Greed” na talagang na-deglamorized ang kanyang byuti, at totally walang make up sa karamihan ng mga eksena.
Naging malaking challenge kay Nadine ang bagong role niya sa drama/thriller na ‘Greed’, na tiyak na ikagugulat ng kanyang followers na nasanay na mapanood ang kanilang idolo sa mga ‘pabebe’ role.
“Talagang magugulat sila as this is something I’ve never done before. The ending of this film, when I read it, sobrang juicy niya, sobrang ganda. I got so excited to do this kasi it’s something gruesome na hindi ko pa nagawa before. The viewers will be shocked, what the hell happened? Mapapaisip ka talaga,” say ni Nadine.
Kasama na rin kaya sa pagbabagong image ni Nadine ang tambalan nila ng dating reel and real life partner na si James Reid, na ngayon ay tila ‘nagpapapansin’ sa Hollywood para sa kanyang American dream?
“As an actor, I want to try something, explore out of the box. I want to try new things, so i don’t want to be stuck in the kilig or pa cute films I used to do.
“Definitely, I want to do films na malayo sa pa-cute kind of branding I did before. Kasi I know there’s so much else I can offer, that I can do. Tapos na ako sa love teams. And I don’t want to be redundant. If it’s something I’ve done before, ayoko na,” dagdag na say ni Nadine.
***
NOONG unang natanggap ni Jak Roberto ang offer na mapasama sa comeback serye ni Kylie Padilla together with Rayver Cruz, ang “Bolera”, pumasok sa isip niya agad na panibagong romcom serye ang gagawin niya pero laking gulat na lang ni Jak nang mabasa ang script at napag-alamang isang seryosong sports drama pala ito.
“Noong unang sinabi sa akin na ‘Bolera ‘yung magiging title akala ko comedy tapos ang character name ko kasi Toypits. Sabi ko sa handler ko, ‘Comedy ba ‘to kuya? ‘Hindi heavy drama.’ Tungkol daw kasi sa billiards,” say ni Jak.
Bukod na mapapasabak ulit si Jak sa matinding dramahan ay magsisilbing balik primetime sa kanya ang serye nila nina Kylie at Jak, sa Kapuso Network.
“Though parang madugo kunan niyan kasi game designing. Pero na-excite ako in a way na kasali ako roon and sa primetime siya ipalalabas. After ‘Meant To Be’ ngayon na lang ulit ako magpa-primetime. Sobrang excited and happy kasi ako ‘yung isa sa cast,” dagdag pang say ni Jak.