Advertisers
Posibleng alisin na ng pamahalaan ang deployment ban sa mga Pinoy Workers na mangingibang bansa. Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, maaring partial deployment ang papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sinabi pa ni Bello na aabot aniya sa 1,200 mga health care workers ang maari nang makapagtrabaho abroad sa oras na i-lift ang deployment ban, kabilang na ang mga newly recruit.
Umaasa si Bello na sang-ayunan ng IATF at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahing inilatag ng POEA na payagan nang makaalis para magtrabaho abroad ang mga health workers.
Tiniyak ni Bello na walang epekto ito sa kasalukuyang suplay ng mga medical workers sa bansa sa gitna ng pandemya. (Josephine Patricio)