Advertisers
ANG watawat ng Pilipinas ang simbolo ng ating bansa. Ito ay tanda ng ating mga Filipino. Dugo at pawis ng marami nating kabayan ang pinantingkad ng mga kulay nito. Mga kulay na sagisag ng kanilang atang. Ang bandila ay sagrado at nararapat respetuhin. Nagagalit ako kapag binabalewala ito at ginagawang adorno, lalo na ngayong halalan. May lumabas na mga letrato sa pahayagan at social media kung saan nakapaskel ang mukha ng dalawang kandidato sa pagka- pangulo at bise. Ipinapaalala ko lang sa mga kasapi ng kanilang lapian na mayroon tayong Heraldy laws na ipinagbabawal gamitin ang pambansang watawat bilang palamuti. Hindi ko na papangalanan ang mga kandidato at ang kanilang lapian dahil ayokong makadagdag sa diumanong pagkasikat nila.
Sabi ng Section 2 ng Republic Act 8491 na bilang polisya, dapat magbigay ng pagpupugay ang bawat Filipino sa Pambansang Watawat at lahat ng mga pambansang simbolo. Sila ang kumakatawan sa pambansang adhikain at tradisyon, at nagbibigay-saysay sa sa ating kasarinlan at pakakaisa bilang isang bansang malaya. Ang mga simbolo na nagpapamalas ng ating likas na kabutihan at nagpapakita ng puso at isipan ng bawat mamamayan. Kinakatawan nila ang pagmamahal sa tinubuang lupa. Nararapat magbigay ng kaukulang paggalang sa watawat, pambansang awit, motto, armas, at iba pang pambansang simbolo.
Nakasaad sa Republic Act 8491 Sec. 34 Item F. na maaaring ipinagbabawal ang pagdagdag ng anumang kataga, marka, litrato, disenyo, guhit, patalastas, o kahit anong tanda sa Pambansang Watawat. Heto ang sinasaad sa wikang Ingles: “it is forbidden to add any word, figure, mark, picture, design, drawings, advertisements, or imprint of any nature on the flag.” Ang paglabag dito ay nangngahulugan ng pagkakulong at multa na hindi bababa sa limang libong piso. At ito ay para sa bawat paglabag. Mas matindi kung ito ay ginawa ng taong nasa katungkulan, pati ang nakaupong Pangulo o Chief Executive ay may pananagutan. Hindi biro ang pambabastos na ginawa ng mga kandidatong ito. Ang isa pa naman ay nanunungkulan sa pamahalaan.
Maliwanag ang Section 50: “Any person or juridical entity which violates any of the provisions of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than Five thousand pesos (P5,000) nor more than Twenty thousand pesos (P20,000), or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court: Provided, That for any second and additional offenses, both fine and imprisonment shall always be imposed: Provided, further, That in case the violation is committed by a juridical person, its President or Chief Executive Officer thereof shall be liable.” Pati ang pangulo ng Pilipinas ay may pananagutan.
Kaya paalala sa lahat ng kumakampanya. Mag-iingat sa pag displey ng watawat. May mga batas na ipinagbabawal ang anumang kalapastanganan sa simbolo nito at maging sa mga bantayog. Tumambad sa akin ang litratong nagpapakitang tinakpan ang rebulto ni Ninoy Aquino sa plaza kung saan ginanap ang rally ng mga BBM supporters nung Biyernes. Nawa’y batid ito ng nakaupong meyor ng Tarlac City Cristy Angeles dahil nangyari ito sa kanyang toka. Nawa’y batid ni Ms. Angeles na hindi ito pagyurak sa pinakabatang gobernador ng lalawigan, hindi lamang kalapastanganan sa taong minsan ay nag-atang ng kanyang buhay para matamasa natin ang kalayaan na tinatamasa ngayon. Batid tiyak ni Ms. Angeles, bagaman napabalitang wala itong kaagaw sa upuan ng punong-bayan, na ang taumbayan sa kanyang kinaluluklukan ang magpapasya kung nararapat siyang mamuno, matapos ang pambabastos na pinahintulutan niya. Sa mabuting alkalde, at sa lahat ng aking masugid na mambabasa, mapasaang bakod man kayo nakalunglong. Kasihan nawa kayo ng Poong Kabunian.
***
Mga Piling Salita: “Being strong does not mean you fight every battle. True strength is being mature enough to walk away from the nonsense with your head held high” – WORD PORN
“Under Section 255 of the tax code, if you are legally obliged to pay the tax and you willfully refuse to pay the tax, you are criminally liable up to ten years imprisonment. That’s why I am saying, if the BIR, if it wants to now, can file a criminal case and I think it’s time. Ano pa hinihintay ng BIR, file-an na ng criminal case (what is the BIR waiting for, file a criminal case), that is the last thing they can do.” – ANTONIO CARPIO
“They (gov’t service) can’t afford me,” says Mrs. Liza Marcos. ‘I’m so New York.’ Excuse me, ma’am. You can’t make it in New York or anywhere. You don’t have the looks and the smarts.” – ROLI ECLEVIA
“Opo, hindi po logic ang pakilusin ko ngayon. Mystical instinct. Yung tinatawag nating Kutob. Sigurado ako na naka-lugar na ang malawakang instrumento ng Pandaraya. Ngunit nakikita ko ang malawakang pagbantay sa balota. Kakayanin ba ng militar at pulis ang libo libong matahimik na nagpoprotesta at magbabantay ng Kongreso, ng Comelec, at ang mga dagsa sa mga counting centers? Nakikita ko na sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga dumalo sa mga Rosas na rallies ay namumukadkad sa lahat ng dako ng bansa. Nakasalig sa kamangmangan at mababaw ang suporta kay Jr Marcos. Samantala ang mga Puwersa ng Rosas ay naniniwalang nakasalalay sa eleksiyon ang kinabukasan ng bansa. Hindi mapipigil ang pagsikat ng araw ng kalayaan.” – BAYANI SANTOS JR.
“Yes Ms. Liza Marcos, we cannot afford you… That’s why we cannot afford to let your husband become president…” – THE VILLAGE IDIOT
“Good luck to the next president… Whoever she may be…” – Philip Lustre
***
mackoyv@gmail.com