Advertisers

Advertisers

Kahit Kapamilya…Richard target ang Kapuso actress na maging kapareha sa serye; Jodi swak katambal kahit mas may edad o batang aktor

0 482

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ANG nabinbin na pagsasamahan sana na serye nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez na ‘Kahit Minsan Lang’ na di na natuloy sa Dos dahil sa ilang kadahilanan at paglipat ng aktres sa kabilang station.
May bago na ngang titulo ang serye na gagawin ni Richard sa bakuran ng Kapamilya network.
Pero ang problema ay wala itong leading lady kaya kumalat ang balita na isa raw sa mga Kapuso actress ang makakapareha ni Richard.
May sitsit kasi na baka si Carla Abellana na till 2019 ay hindi pa rin nagre-renew ng bagong contract sa Siyete.
May sitsit din na sina Jennyly Mercado at Marian Rivera pero malabo naman daw ‘ yun dahil di naman ubra na lumipat si Jennylyn.
Mas malabo si Marian dahil priority nito ay ang kanyang pamilya lalo na ang mga anak.
Lumutang din ang name ni Heart Evangelista dahil hindi pa rin umano ito pumipirma ng kontrata sa Kapuso network mula noong 2018 hanggang ngayon.
Posible si Heart kaso patakaran na raw ng Kapamilya network na kapag umalis na ay never na puwedeng bumalik dahil 2015 pa nung lumipat si Heart sa Kapuso from Kapamilya.
Well, sino kaya sa mga Kapuso actress ang magiging leading lady ni Richard sa bagong serye?
***
KAHIT nga hindi iparehas si Jodi Sta. Maria sa aktor na kaedaran niya ay carry nitong dalhin.
Tulad kay Richard Yap na kahit malayo ang agwat ng edad nila ay nagklik ang kanilang tambalan.
Ganun din nang ipareha siya kay Robin Padilla, super bagay din sila.
Okey din nang maka-partner niya si Ian Veneracion.
Kahit sino nga ang itambal kay Jodi ay nagkakaroon agad ng chemistry.
Lalo nang magsama sila ni Zanjoe Marudo sa unang project at tila nabitin kaya part 2 ang pagsasama nila ngayon sa Broken Marriage Vow.
Ngayon naman ay kay Jake Ejercito naman ito nali-link para sa kanilang serye.
Aba, klik na naman kahit 32 pa lang si Jake at 39 na si Jodie.
Tila si Jodi yata na kahit na anong edad ang itambal na aktor ay nagiging swak pag kapareha.
Well, well, well…’Yun na!