Advertisers

Advertisers

UAAP: Archers wagi vs Tigers

0 189

Advertisers

BUMAWI ang La Salle sa pamamagitan ng 75-66 wagi laban sa makulit na University of Santo Tomas upang manateli sa ikalawang puwesto sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament Martes sa Mall of Asia Arena.

Pinamunuan ni Justine Baltazar ang opensiba ng Green Archers sa iniskor na 20 points, seven rebounds at five assists para itatag ang maagang 21-7 agwat at hindi na lumingon pa.

Lojera nagdagdag ng 15 points,three steals at two rebounds, habang ang rookie Emman Galman nag-ambag ng 13 points at three boards sa kanyang unang laro sa seniors level.



Michael Phillips umiskor ng eight points at 13 rebounds para sa Green Archers na umangat sa 4-1 win – loss rekord.

Mark Nonoy nalimitahan sa three points na kumana ng 1-of-6 mula sa field, three rebounds at isang assists na dating Rookie of the Year laban sa kanyang old alma mater.

Rookie Nic Cabanero nagdeliver ng double-double na 20 points at 10 rebounds upang tulungan ang UST (2-3) habang si Joshua Fontanilla nagdagdag ng 20 s kanilang talo.

Ang Iskor:

LA SALLE 75 — Baltazar 20, Lojera 15, Galman 13, M. Phillips 8, Nelle 4, Austria 4, B. Phillips 4, Nonoy 3, Winston 2..



UST 66 — Fontanilla 20, Cabanero 20, Manaytay 9, Santos 9, Concepcion 4, Ando 2, M. Pangilinan 2.