Advertisers

Advertisers

2 may-ari ng massage parlor buking sa ‘extra service’

0 224

Advertisers

Dinakip ang dalawang may-ari ng isang massage parlor kasama ang dalawa nilang receptionist ng madiskubreng nag-aalok ang mga ito ng ‘extra service’ sa Cebu.

Kinilala ang dalawang may-ari na sina Mark Rhayan Belocura, 24; at kapatid nitong si John Lloyd Belocura, 19-anyos.

Samantala, ang dalawang receptionist ay kinilala bilang sina Jessica Jane Alonso at Marisol Topacio.



Ang magkapatid umano na Belocura ay nagmamay-ari ng MC Shield Spa Massage na may branch sa Cebu City at Talisay City.

“The therapists, once chosen through a tablet at the reception area of the MC Shield Spa or the MC Shield Massage Spa Facebook page by the client who wants to have an ‘extra service’ had no right to refuse,” saad ng mga tauhan ng NBI.

Sa ikinasang entrapment operation noong Marso 31 naaresto ang apat na suspek, habang nailigtas naman ang siyam pang mga therapist.