Advertisers
Ibinalibag sa panibagong selda ang isang kelot na bagong laya nang magpanggap na pasyente at tangkaing holdapin ang isang dentistang bebot sa Valenzuela City.
Balik-hoyo ang suspek na si Romeo Manuel, 26, ng Baseco Compound, Tondo, Manila.
Naganap ang insidente 5:00 ng hapon ng Abril 4 sa klinika ng biktima sa McArthur Highway, Barangay Malanday, ng lungsod.
Sa ulat, pumasok ang suspek sa klinika at sinabing mayroon siyang patitingnan saka inilabas ang kanyang 8.5 pulgadang kargadang folding knife at sinabing, “Holdap ito, ‘wag ka nang lumaban.”
Hindi naman nataranta ang dentista sa laki ng kargada ng suspek at tumakbo palabas ng klinika at humingi ng tulong na nagresulta sa pagkakadakip sa kawatan.
Kinumpiska kay Manuel ang kanyang fan knife, cable tie, at duct tape na ipinapalagay na gagamitin sana niyang panggapos sa dentista, at P700 salapi.
Nabatid na dati nang nakulong dahil sa pagnanakaw sa Maynila at kalalaya lamang noong Marso 22, at ngayon ay haharap sa kasong attempted robbery/ holdup charges with threat and intimidation, at paglabg sa Batas Pambansa 6 in relation to Comelec Resolution 10728 (Ban on bearing, carrying or transporting of firearms or other deadly weapons during election period.