Advertisers

Advertisers

SUBIT race tuneup game ng PH triathlon team

0 157

Advertisers

BABALIK ang Subic International triathlon (SUBIT) matapos ang dalawang taon na pahinga at ilulunsad sa Subic Bay Freefort Zone sa Mayo 1 ngayon taon.

Ang pinakamahabang running triathlon sa bansa, na sa kanilang ika-29th taon na ngayon ay inaasahang lalahok ang mga pinakamagagaling na atleta kabilang ang international triathletes at ang national team bound na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa susunod na buwan.

Sa katunayan ang karera ay maging tuneup para sa PH team na tutungo sa biennial meet kung saan puntirya na mapanateli ang kanilang 1-2 finish sa men’s at women’s division.



Sasabak sa SUBIT ay kinabibilangan nina Fer Casares,Kim Remolino,John Chicano, Kim Mangrobang,Raven Alcoseba at Lauren Plaza.

Ilan sa naging produkto ng SUBIT ay sina SEAG winners Chicano, Mangrobang, Nikko Huelgas, at Clair Adorna,Youth Olympics qualifier Vicky Deldo, Columbia World Games qualifiers Carlo Pedregosa at Mirasol Abad, Birmingham World Games qualifier Casares, at 2018 Asian Games top 10 finisher Kim Kilgroe.