Advertisers

Advertisers

Jillian pinagpaguran ang pinambili ng sports car; Maxine engaged na sa non-showbiz bf

0 159

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ENGAGED na si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Timmy Llana.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maxine ang larawan ng kanyang diamond ring, pati na rin ang ilang intimate moment ng kanyang engagement.
“Finally my forever,” caption ni Maxine, kung saan naka-tag si Timmy.
Halos apat na taon nang magkarelasyon sina Maxine at Timmy. Ipinagdiwang nila ang kanilang ikatlong anibersaryo Hunyo noong nakaraang taon.
Binigyan din ni Timmy si Maxine ng isang promise ring na may inisyal niya na “M” Pasko noon ding 2021.
Ipinakita rin ni Maxine ang kaniyang diamond ring.
Regular na napapanood si Maxine sa First Lady sa GMA.
***
ISA sa maituturing na pinakasikat na young actress ng GMA, nakapagpundar ng bahay at mga sasakyan sa murang edad, tinanong namin si Jillian Ward kung ano pa ang nais niyang makamtan o marating sa buhay.
“Ayun nga po, since twelve years na rin po ako na puro baby roles po halos, gusto ko po i-try na magkaroon po ng character na mas may lalim pa po.
“Gusto ko rin pong mag-try ng mga characters na merong mental disability para po makapag-spread ng awareness.
“Or kaya mag-action, mag-comedy, gusto ko po i-try lahat po ng mga genres para po mas makapag-explore pa po ako, para mas lumawak pa po yung mga kaya kong gawin,” umpisang pahayag ni Jilian.
Napag-usapan din namin ang tungkol sa bagong sportscar na pinost ni Jillian sa kanyang Instagram account.
“Ayun nga po sabi ko nga po kay mama, twelve years na po akong artista, baby pa lang and yung mga binibili ko po dati yung mga bahay at sasakyan puro necessities parang, ngayon pong taon pinagbigyan ko po talaga yung sarili ko na bilhan ko yung sarili ko ng dream car ko.
“Kasi talagang pinagpaguran ko din naman po yun so I think deserve ko na po yun,” nakangiting pahayag pa ng Kapuso actress.
Isang Porsche Boxter ang naturang brand new car ni Jillian.
Regular na napapanood si Jillian sa Book 2 ng Prima Donnas.
***
NAG-audition si Thea Tolentino para sa role niya bilang si Jinky sa Take Me To Banaue.
“Binigyan po kami ng isang scene, isa sa mga highlights nung movie, tapos iyong yung shinoot ko, tapos ipinadala ko, tapos nag-Zoom meeting kami nina direk and yun nga, sinabi na nakuha ako to play the role of Jinky.
“I’m really happy, feeling ko talaga I was chosen for this role kasi I have enough tools, naipakita ko yun sa audition ko, talagang nakatulong sa akin.”
Nagpapasalamat si Thea sa mga workshop niya sa GMA sa ilalim nina Anna Feleo at Anthony Bova.
“Kapag hirap na hirap ako, tatawag ako kay ate Anna, dun ako na-inspire para mas ibigay lahat sa audition ko.”
“Talagang sobrang nakatulong sila sa akin.”
Ang Fil-Am movie na Take Me To Banaue ay mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na based sa US.
Tampok din sa Take Me To Banaue sina Maureen Wroblewitz (bilang Grace), ang American actors na sina Brandon Melo (bilang Hank) at Dylan Rogers (bilang Jordan), at sina Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa (bilang Paloma) at ang Kapuso comedian-TV host na si Boobay (bilang Rocky).
Ang director/producer ng pelikula ay si Danny Aguilar, isang Filipino-American na nakabase sa Dallas, Texas sa USA; ito ang kanyang directorial debut.
Katuwang niyang isinulat ang screenplay ng Take Me To Banaue si Jason Rogers.
Line-produced ni Monch Bravante, ang setting ng kabuuan ng pelikula ay sa Baguio City at sa Banaue, Ifugao.