Advertisers

Advertisers

Mariel umamin, nagbebenta ng gamit para makatulong sa kampanya ni Robin

0 183

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL sa kontrobersyal na pananampal ng Hollywood actor na si Will Smith kay Chris Rock sa nakaraang 94th Academy Awards (Oscars), may mga artista na rin na tinanong kung nakasampal na rin ba sila.
Isa si Carmi Martin sa nakasampal na at ayon sa kanya, isang foreigner ang napagbuhatan niya ng kamay. At nangyari raw yun sa loob ng isang restaurant.
May tour guide raw na nagturo sa kanya sa kasama nitong foreign tourist at sinabing isa siyang artista.
Kwento ni Carmi,“Lumapit sa table ko ‘yung tour guide. Sinabi nga foreigner ganyan-ganyan, touring the Philippines and he would like to take a picture with you,” simulang kuwento ni Carmi.
“Ah, yeah sure.” Pumayag naman daw siya at kusa pang tumayo para sa picture taking.
Nagulat na lang daw si Carmi nang biglang umupo sa upuan niya ang turista sabay hatak sa kanya at ikinandong.
“Sinampal ko talaga! Sabi ko, ‘Who gave you the right to do that,” sabi ng aktres.
Tumawag daw agad ng pulis ang staff ng restaurant at pinaalis ang foreigner. Nilapitan din daw ni Carmi ang tour guide para pagsabihan dahil sa pambabastos sa kanya ng turista.
O di ba, tama lang naman na sampalin ni Carmi ang bastos na foreigner?
* * *
KAKATUWA naman si Mariel Rodriguez. Very supportive wife siya ni Robin Padilla. Sa guesting niya sa Youtube channel ni Ogie Diaz, sinabi niya na kaya siya nagla-live selling ay para makatulong kay Robin sa gastusin nito sa kampanya.
Si Robin ay tumatakbong senador.
Sabi ni Mariel,“Most of ‘yung kinikita ko talaga ipinangbibili ko ng tarp (tarpaulin), pinangpapagawa ko ng t-shirt.
“Kasi pag nagpapagawa ako ng mga t-shirt hindi naman ‘yung maramihan na parang 50,000. Wala namang ganu’n, eh, tingi-tingi lang at pag nagpapagawa ako ng tarpaulin at caps, 1,000 ganu’n. Slowly little by little ko lang napapagawa.
Tanong ni Ogie, “Siyempre ang tanong ng iba, wala bang budget si Robin Padilla? Bakit si Mariel ay kailangang mag-dispose ng mga collection niya?”
Sagot ni Mariel,”Hindi naman kailangan. Gusto ko! But wala naman talaga kaming money for that, for those things and alam mo ang dami talagang humihingi sa akin ng t-shirt sasabihin nila gusto nilang tumulong, gusto nila ng tarpaulin pero sa akin lagi sila humihingi.”
Sa tanong naman kung magkano na inabot ang lahat ng napagbentahan ng gamit ni Mariel, ang sabi nito “Ay hindi ko pa nako-compute lahat kasi kakagawa ko lang kagabi. Pero marami na rin, marami ‘yung items.So, from that like last one, medyo malaking bulto ‘yung napagawa ko kaya ngayon nag-round two (live selling).
“Sabi niya (Robin) bakit may round two? Akala ko ba once a month mo lang ‘yan gagawin? Kasi nagpaalam ako sa kanya kung puwede akong mag-live selling habang mainit pa saka ngayon kailangan kasi sunud-sunod, di ba?” paliwanag pa ni Mariel.