Advertisers

Advertisers

Jay R kumanta ng American National Anthem sa NBA Game

0 174

Advertisers

Ni BETH GELENA

DREAM come true para kay Jay R ang kumanta sa NBA game.
Si Jay R ang naatasang kumanta ng National Anthem ng Amerika, ang Star Spangled Banner sa NBA game nitong nakaraang March 31.
Sa Glendale, California, sang Fil-Am singer si Jay R na pinanganak sa Glendale, Los Angeles.
Siya ang umawit ng American National Anthem para sa NBA match ng Clippers against Utah Jazz para sa Filipino Heritage Night sa Crypto Arena.
“I can’t believe I sang the National Anthem at Crypto Arena at the Clippers game last night. I must say another dream came true for me,” post ni Jay R sa kanyang Instagram.
“Twas an honor to represent the Philippines for Filipino Heritage Night for the NBA. I hope I made all the Filipinos in the house proud, “ dagdag pa ng Fil-Am RnB singer.
Aniya, maliit pa lang siya ay pinangarap na niyang kantahin ang Star Spangled Banner sa isang event sa Tate.
“As a kid I’ve always dreamed of it and in this video I’m finally there. What a dream come true. But the dream doesn’t stop there. Let’s keep it going.”
Samantala, si Jay R at ang misis nitong si Mica Javier ay nag-spent ng kanilang second wedding anniversary nitong nakaraang Marso.
***
EX HUSBAND NI ANA DATING PRODUCER NI KRIS
SA interbyu ng King of Talk Boy Abunda ay pinangalanan na ni Ana Jalandoni ang kanyang ex-husband.
Ang tinutukoy pala niyang ex-hubby ay ang taga-Nueva Ecija na si Renan Morales, ang naging producer noon ni Kris Aquino sa kanyang GMA-7 TV Special titled Trip Ni Kris.
Isa rin itong pulitiko.
Kwento ni Ana, mabilis lang daw ang naging pagsasama nila ng ex-husband kung saan ikinasal sila sa Amerika noong October 2017 at January 2018 ay hiwalay na sila.
Pahapyaw na kwento ni Ana, hindi ang ex hubby ang naging dulot ng pananakit ng ex(?) boyfiend na si Kit Thompson sa kanya.
Pero selos daw ang dahilan ng pananakit ng aktor sa kanya.
Nagbibiruan daw sila ni Kit nang umano’y tutukan daw siya nito ng kutsilyo sa leeg.
Aniya, “Nagbibiruan kami na, ‘Ikaw? Sino type mo sa mga kaibigan ko?’ tinanong niya ko. Sabi ko, ‘Wala, syempre ikaw lang.’ Ewan ko, suddenly sabi ko sa kanya, ‘Alam mo ‘yung kaibigan mong ‘yun, ‘yung may gusto sa ‘kin, kung ‘di lang kita boyfriend idi-date ko ‘yun.”
“It’s a joke, for me it’s a joke kasi nagjo-joke nga kaming dalawa eh,” bahagi ng kuwento ni Ana.
“Nagulat talaga ako, sabi ko ‘Baba mo ‘yan. Kit, joke lang ‘yon, baba mo ‘yan.’ Tapos binitawan niya. Syempre natakot ako, sobrang natakot ako,” pag-aalala niya. “Pinagpawisan na ako tapos pinipigilan ko ‘yung iyak ko kasi baka mag-freak out siya, kasi mainitin nga ‘yung ulo niya.”
Naalala rin ni Ana nang sampalin siya ni Kit nang mag-celebrate ang aktor ng birthday sa Palawan.
Nagalit daw si Kit dahil gusto raw nitong makipag s.x sa kanya pero di siya pumayag dahil pagod nga raw sila.
Aniya : “Nagagalit na siya. Sabi niya, ‘birthday ko, tutulugan mo lang ako.’ Gusto lang niya makipag-s-x that night.
“Sabi niya; ‘ah ayaw mo. Hindi sa ayaw ko. Pagod lang ako. Ang dami nating ginawa sa beach.”
Nanatili namang tahimik ang actor sa mga pahayag ni Ana sa King of Talk.
Nauna nang inamin ni Ana na selos ang dahilan ng pananakit ni Kit sa kanya noong March 18 sa Tagaytay.
***
ATE VI DINALAW ANG MET, EMOSYONAL
SA posted vlog ng Star For All Seasons Vilma Santos-Recto titled A Reunion After 27 years, nagsama-sama ang dating mga kasama ni Ate Vi sa kanyang show noon na Vilma!
Nag-reunion ang grupo sa ni-renovate na Metropolitan Theater.
Doon kasi ginagawa ang Vilma! show ni Ate Vi. Kasama niya sina Chit Guerrero (executive producer), Maribeth Bichara (choreographer), at Roderick Paulate (best friend at co-host niya sa programa) na umikot sa newly-renovated Metropolitan Theater, na dating tahanan ng kanilang musical-variety show.
Hindi napigilan ni Ate Vi ang maluha habang nagbabalik sa kanyang alaala ang masaya nilang halakhakan kapag nagti-taping ng show.
Nagkita-kita sila sa gate entrance ng MET at bawat isa ay nagtilian habang magkakayakap.
Ang Vilma show ay nag-umpisang napanood sa GMA7 taong 1986 hanggang 1995.
Ayon kay Ate Vi, ang namiss niya sa kanyang programa ay ang mga Vilmanians.
Isa raw ito sa mga nami-miss niya sa kanyang buhay-artista.
“Ganun ko kamahal yung mga fans. Parang… hindi ko alam kung paano ko susuklian yung pagmamahal nila sa akin. Para magtagal ako sa industriya talaga.
“I just miss my life in showbiz. Nakikita ko silang nahihirapan.
“Imagine, ang iba hindi pa nagla-lunch, nakapila na maaga para makita ka lang.
“Bumibiyahe. May mga nanggagaling sa probinsiya, na dala ang bus nila. Hindi kumakain, knick-knack knick-knacks lang siguro just to see you.
“So, every time dumarating yung sasakyan ko, talagang malaking bagay na yung makamayan ko sila. Yung makita nila ako nang malapit at mahawakan,” pagbabalik-tanaw ni Ate Vi.
Asam ni Ate vi, “Sana, makabalik ako for a special.
Gusto raw uli niyang makapag-perform sa MET.
“Given a chance to celebrate my 60 years in showbiz… gusto ko sa MET! Tho, nothing is final yet.
“Sana… sana… sana! [thumbs up, pray, smile, heart emoji] landmark na din sa TV career ko ang MET. Memorable!”
May part 2 pa ang pagbabalik-tanaw ni Ate Vi sa MET.