Kylie inatake ng anxiety attack sa taping ng serye; Cloe natagalan ang next project, tumaba sa pagkain
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PAGKATAPOS ng matagumpay na seryeng nilabasan ng sex nymphet na si Cloe Barreto, ang ‘L’ a trilogy serye with Vince Rillon, heto na muli si Cloe na nagbabalik pelikula. Remember ‘Silab’ together with Jason Abalos and Marco Gomez, sa pelikulang ‘Tahan’ ay makakasama niya sina Jaclyn Jose, JC Santos, Quinn Carillo (ang sumulat ng kuwento), Karl Medina, AJ Oteyza, Mercedes Cabral, at ang dating basketbolista na si Mac Cardona.
Ang ‘Tahan’ ay istorya ng isang babae na sa murang edad ay nagawang ibenta ng ina at naging daan para tuluyang maging isang bayarang babae.
Sa kanyang pagbabalik pelikula ay nais iparamdam ni Cloe na pansamantala lang siyang nawala sa limelight. Hindi naiwasan ni Cloe noon na magkaroon ng depression after niyang gawin ang pelikulang ‘Silab’ at napalakas siya ng kain para makaiwas sa stress, na naging dahilan para madagdagan siya ng timbang at nagpaalam muna sandali sa kanyang manager na si Janilyn “Len” Carrillo ng 3:16 Media Network at naunawaan naman nito ang pinagdadaanan ng alaga.
Inamin ni Cloe na hindi nawala sa kanya ang takot at kaba na baka hindi na siya muling makabalik sa mundong pinangarap niya noon, ang mundo ng showbiz.
At sa ngayon palang ay hinuhulaan na agad na kung gaano ang pagtanggap ng masa sa first movie niya ay siya rin ang init na gagawing pagtanggap sa “Tahan” ni Cloe. But wait, tsikang mas dapat na ‘tapangan’ at galingan pa ni Cloe ang kanyang talent dahil kung noon ay parang solo niya ang trono, ngayon ay may kakumpetensiya na si Cloe, sa katauhan ng isa pa rin niyang kaibigan at co-dancer na si Christine Bermas, na gumagawa na rin ng ingay sa industriya.
“Wala naman po. Grupo kami, at pag may isang umangat, lahat kami ay masaya. Kaya wala pong competition sa amin,” say ni Cloe.
Ang ‘Tahan’ ay mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr., at prodyus ng 3:16 Media Network ni Janilyn at John Bryan Diamante.
***
MARAMING followers at netizens ang nagulat nang mag-post si Kylie Padilla ng isang larawan na nakahiga siya sa sahig at cuddle ang alagang aso.
Noong una ay inakala ng followers na isa itong eksena para sa latest sports serye na ginagawa ni Kylie na ‘Bolera’ na kasama sina Jak Roberto at Rayver Cruz, pero laking gulat na lang ng mga ito nang malaman na totoong pangyayari pala ang kanilang nakitang larawan.
Isang aksidente na naganap mismo habang nasa lock-in taping si Kylie, ang sumpungin siya ng Anxiety Attack.
“I had another anxiety attack on set the other day, so grateful that everyone on set takes good care of me. Thank you guys. You know who you are,” say ni Kylie.
Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, pinakalma si Kylie sa kanyang atake nang lapitan siya ng alagang aso at nag-cuddle sa kanya.
“Little Nami came up to me and gave me a cuddle, I think naramdaman nya di ako ok. We cuddled for bit. Humiga na ako sa tabi nya. In love na talaga ko sa aso na to. Canin therapy is real,” saad pa ni Kylie sa kanyang post.
And guess kung sino sa mga celebrities na nagkomento sa post ni Kylie, ang nagpahayag ng care both sa Kapuso aktres at sa aso? Ito ay walang iba kundi ang kilalang pet lover at animal advocate na si Carla Abellana.