Advertisers

Advertisers

Nadine binuwisit ang basher na nagkakalat na buntis siya; Angelica pahinga sa showbiz, focus muna sa vlog

0 175

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBALATO na nga lang daw kay Angelica Panganiban ang bagong chapter sa kanyang buhay at pagbubuntis.
30 years naman daw niya itinuon at ipinokus ang kanyang sarili sa showbiz.
Walang patid at tuluy-tuloy ‘yun at ang mga projects na nagawa niya aniya ay puwede naman balik-balikan.
Kailangan maging busy si Angelica kahit pa siya ay preggy sa kanilang panganay ni Gregg Homan.
Kaya naisip ni Angelica na simulan at magsimula sa una nitong vlog.
Ang socmed nga raw ang in na in sa kasalukuyan. Kaya naman makikipagsabayan si Angelica sa una nitong vlog.
May mga netizen naman na nagsuhestyon na ibahagi ni Angelica ang pag -iibigan nila ni Gregg sa gagawing vlog.
Bakit ba hindi at sagot ng preggy actress, ‘Game’.
May mga netizen din na nagsasabi at suggest na gawin ni Angelica sa kanyang vlog ay puro good at positive, sagot ni Angelica ‘puwede!’.
Bukod sa pagbla-vlog ay nasa plano rin ni Angelica na sa probinsiya mamalagi, manirahan or magbakasyon lang.
***
Nadine Lustre, nang asar ‘gusto ko chicken inasal’
AYAW naman tantanan ng isyu si Nadine Lustre na ito ay buntis.
Natatawa at nagtataka ang aktres kung saan ba humahanap ng tsika ang Maritess na siya ay preggy.
Wala naman daw problema kung siya ay buntis dahil may partner siya.
Saka ‘yan daw talaga ang ibinabato na isyu sa babae kapag nasa malayong lugar.
Pero nagtataka raw si Nadine at napaka-TH naman daw nito na taun-taon na lang ay buntis daw siya.
Kaya naman nang-asar si Nadine sa nagpapakalat na buntis siya kaya aniya, ‘gusto ko ng chicken inasal’.
Gutom lang daw si Nadine at gusto nitong kumain ng chicken inasal.
Marami namang natawa na netizens sa pang- aasar ni Nadine sa nagpapakalat na siya ay buntis.
Well, well, well…’Yun na!