Advertisers

Advertisers

Campaign fund: tongpats, droga at sugal!

0 514

Advertisers

ITAKWIL po natin ang mga politikong humuhugot ng kanilang pondo sa mga nakurakot na salaping buhat sa overpricing at pangongotong sa mga kontraktor ng government project, nagbibigay ng proteksyon sa mga drug lords at operator ng iligal na pasugal. Lalo lamang na malulubog sa kumunoy ng kahirapan ang ating bansa at di na muling makakabangon kapag nagkamali tayo ng ihahalal sa May 9, 2022. JUAN PO.

Pumukaw sa ating pansin ang mensaheng ito ng ating masugid na tagasubaybay na si JUAN, sa nakalipas na halos ay pitong taon nating pagtipa sa ating pitak ay lagi itong nagbabahagi ng kanyang opinyon at hindi rin nagsawa sa kanyang araw-araw na pagbabato ng mga mensahe at mga saloobin.

Para sa senior citizen at sakitin na si JUAN, hindi kumpleto ang kanyang araw kapag hindi nakabili ng daily tabloid na Police Files Tonite, para tunghayan ang ating pitak na SIKRETA. Salamat sa iyo JUAN.



***

HALOS ay isang buwan na nga lamang at halalan na,kaya ngayon pa lamang ay pinaaalalahanan natin ang ating mga KASIKRETA na maging maingat sa pagboto pagdating sa araw ng halalan. Katulad din ng agam-agam ni JUAN, baka kayo ay matikbalang at madaya ng mga pulitikong korap, protektor ng mga sindikatong nagpapatakbo o dili kaya ay sila mismo ang nag-ooperate ng kalakalan ng droga at iligal na sugal.

Napagtuunan na din lamang natin ang mga politikong posibleng kaalam ng drug syndicate at illegal gambling, narito po ang listahan ng ilan lamang sa mga siyudad at bayan sa Luzon na kumpirmadong may mga kalakalal ng droga at talamak na operasyon ng iligal na sugal: Lipa City, mag-asawang alias Hadjie at Aiza, operator ng Small Town Lottery bookies o jueteng at nakabase sa Brgy. San Jose at financier din ng shabu, mga kabo ay kubrador ng mga ito ang tagapagbenta ng droga sa nasabing siyudad.

Si alias Aling Mely ay nakapaglatag naman ng mini-carnival na pulos perya-sugalan sa Brgy. Anilao labac, gamit din na front ang nasabing peryahan sa pagbebenta ng shabu ng mga peryantes, at Ronnie at Oying area of operation naman ng kanilang saklang-patay ay ang Brgy. Lodlod, Sampaguita, Bolbok at Sabang, pawang sa Lipa City. Kapag may patay sa may 72 barangay ng Lipa City ay asahang naroon din ang pasakla ng naturang mga pusakal na iligalista, baon ang kanilang pambentang shabu na itinitingi sa mga drug adik na nasa lamayan.

Hindi natin pinararatangan na sangkot sa operasyon ng iligalitang ito sina Lipa City Mayor Eric Africa at Police Chief, LtCol. Ronald Cayago, pero napaka-imposible namang di nakakarating sa kanilang kaalaman ang mga kabalbalang nagaganap sa kanilkang huridiksyon? Sayang ang isinisweldo sa kanila ng pamahalaan kung di nila kayang sugpuin ang mga ganitong uri ng ilegalista sa siyudad?



Sa bayan ng Nasugbu: alias Willy Bokbok naman ang astig sa tatlong pinakamalaking operator ng jueteng doon at putok din ang pangalan sa kalakalan ng shabu sa nabanggit na bayan. Tanging sina Nasugbu  Mayor Antonio Jose A. Barcelon Vice Mayor: Larry D. Albanio at ang kanilang hepe ng pulisyang lokal ang di nakaaalam.

Sa bayan naman ng Taal: shabu at pergalan queen ang turing kay alias Beth pagkat bukod sa nag-ooperate ito ng napakalaking iligal na pasugalan sa Brgy. Kawit ay nakapagpapabenta din ito doon ng droga sa kanilang suking adik kasabay ng operasyon ng sugal na color games, beto-beto, drop balls, cara y cruz at iba pang uri ng table games.

Dapat lamang na ipaaresto nina Taal Mayor Fulgencio “Pong” Mercado si alias Beth at maging ang barangay chairman nito para di sila pagdudahan na kabagang ang nasabing lady drug/ gambling operator?

Samantala, batid ng ating mga KASIKRETA na si Noveleta Mayor Dino Carlo R. Chua ay kabilang sa isa sa Ten Outstanding Mayor of the Philippines, ngunit nagtataka naman ang inyong lingkod kung bakit nakukunsinte ang operasyon ng mga iligal na pasugalan sa sentro ng naturang bayan.

Isang babaing carnival operator, si alias Noemi ang nakapaglatag ng mga pasugalan sa loob ng naturang peryahan at nagpapabenta pa ng shabu sa isang kubol doon.

Malaking sampal ito kina Cavite Provincial Director, P/Col. Arnold Abad at sa kilalang businessman na si Mayor Chua pagkat bukod sa pagiging negosyante ay siya rin ang operator ng El Palacio Resort sa Coastal Bay ng Noveleta. Mabantot na ang pangalan nina Col Abad at Mayor Chua dahil lamang sa operasyon ng mga pasugalan at bentahan pa ng shabu sa naturang bayan.

Tikom naman ang bibig at tila bulag nina PNP Acting Provincial Director, P/Col. Rommel J. Ochave at maging ang alkalde ng bayan ng Balagtas, Bulacan sa drug/gambling haven na pinatatakbo ng isang alias Jessica at alias Quirros?

Garapalan ang operasyon ng perya-sugalan ng maalindog na si Jessica at ng kasosyo nitong si Quirros sa tabi lamang ng Balagtas Hall, malapit sa Mcarthur Highway sa bayan ng Balagtas.kaya di makapaniwala ang ating mga KASIKRTEA na walang alam din dito maging ang local police chief ng Balagtas..

Malabong maging full-time PNP PD si acting Bulacan PNP Provincial Director SI Col. Ochave kung ang simpleng drug/ gambling dens lamang nina Jessica at Quirros sa Balagtas, Bulacan ay di pa nito mabuwag. Baka naman nasillaw na din ng kariktan ni alias Jessica sina PD at mayor? Abangan…

***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.