Advertisers

Advertisers

Dapat magaling na crisis manager ang pipiliing Pangulo: Yorme Isko

0 204

Advertisers

KUNG hindi siya kandidato, at isang botante, isa sa katangiang hahanapin niya, sabi ni Manila Mayor Isko Moreno, sa ibobotong presidente ay isang magaling na crisis manager.

“… kung ako si Francisco Domagoso na isang botante at pipili ako ng presidente, ang pipiliin ko ay isang crisis manager. A crisis manager is always there, hindi uma-absent, hindi natatakot, hinaharap ang problema, nasa frontline,” sabi ni Yorme Isko sa panayam sa kanya kamakailan ng batikang TV at radio anchor na si Alvin Elchico.

Sa panahon ng crisis na dala ng pandemya, nakita ng maraming Manilenyo ang mabilis na kilos ni Yorme Isko at ito ay pinatunayan ng maraming lider politiko, tulad ni Sen. Ralph Recto, Cebu 3rd district Representative Pablo John ‘PJ’ Garcia at maraming iba pa.



“I get things done kaya nga Bilis Kilos. Parang ina-almoranas ako kapag ang isang bagay e para bang ikinikibit-balikat na lang, … especially in a crisis,” sagot ni Isko sa tanong ni Elchico kung ano ang naiibang katangian niya sa siyam na kandidatong pangulo sa “Harapan 2022” presidential interviews ng ABS-CBN, Lunes, Abril 4.

Kung tama ang nakikita niya, sinabi ng 47-anyos na kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko, nasa krisis ang Pilipinas na dala ng pandemya, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, maliit na sweldo at kaguluhan sa mundo.

Inihalimbawa ni Yorme Isko ang Ukrainian president Volodymyr Zelensky na nagpapakita ng tapang sa pamumuno sa mga kababayan laban sa pananakop ng Russia.

Aniya, kailangan ng bansa ang tulad ni Zelensky na isang mahusay na crisis manager na gagawin ang lahat upang malutas ang problema ng bansa.

Nakita ito kay Yorme Isko nang mabilis na kumilos laban sa pandemya noong Marso 2020 na agad na bumili ng Tocilizumab, Baricitinib, Remdisivir at oral drug Molnupiravir na nagligtas sa maraming nagkasakit ng COVID-19.



Bilang crisis manager sa Maynila, sa loob ng 52 araw, naitayo ang Manila COVID-19 Field Hospital, itinayo ang bagong gusali ng Bagong Ospital ng Maynila, tuloy-tuloy na ayudang pagkain sa mahigit 700,000 pamilyang Manilenyo dulot ng Food Security Program (FSP) ng Maynila.

Sabi ni Isko, nais niyang tularan si Zelensky.

“And this is the type of leader I want to be… at sana kayanin ko kasi sa buong buhay ko, pagdilat ko pa lang ng aking mata puro krisis na ang kinaharap ko,” aniya.

Kung paano niya hinarap ang krisis ng pandemyang COVID-19 sa Maynila, sinabi ni Yorme Isko na handa siya sa paghusga ng mamamayan kung siya nga ang crisis manager na kailangan ng bansa.

“But modesty aside nairaos natin ang tao sa gutom, sa kapahamakan, at nakapaghanda. Yun naman ang kaya kung isukli sa tao. Now if that is what they need, I’m available, that I can do,” sabi ni Yorme Isko.
***
Kung ibabalik ang two-party system at mairereporma ang sistema ng pagboto, ang dami ng boto ng presidente ay siya ring magiging boto ng bise presidente.

Ito ang itutulak ni Yorme Isko na amyendahan ang Konstitusyon at maghalal ng dalawang senador sa bawat rehiyon ng bansa.

“Itutulak ko na ‘yung boto para sa presidente ay ganun din sa vice president. ‘Yung VP ang magiging presiding officer o Senate president, katulad sa US,” sabi ni Isko.

Kung siya ang mananalong pangulo, itutulak niya, sinabi ni Yorme Isko, na magkaroon ng partylist representative sa bawat rehiyon tulad ng plano ng nais niya na mangyari sa Senado.

“Napapanahon na, hinog na, bumalik na tayo sa two-party system with 17 regions represented by two senators per region,” sabi ni Isko.

Kung magagawa ito, magkakaroon ng senador na Moro, Igorot, Aetas or IPs, paliwanag pa ni Yorme Isko.

“Para naman hindi isang pamilya lang ang napupunta sa Senado. At ‘pag binoto at nanalo ang presidente, automatic yung vice president nanalo na rin,” paliwanag ulit ni Isko sa isyu ng Party-list sa ginanap na Pilipinas Debates 2022: The Turning Point ( Part 2), Linggo, Abril 3 sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Pasay City.

Magkakaroon ng pantay na representasyon sa Senado at Kongreso ang 17 rehiyon kung magkakaroon ng reporma sa sistema politika ng bansa, paliwanag ni Yorme Isko.

Mangyayari, paniniwala ni Isko, makapagpoprodyus ang isang ordinaryong pamilya ng isang mabuti at magaling na bata na mabibigyan ng pagkakataon ng representasyon sa Senado.

Sa pagbabago ng sistema sa paghahalal ng kongresista at senador, at sa pagbabalik sa two-party system, kahit hindi galing sa maimpluwensiya at mayamang pamilya, may tsansang mahalal sa Kongreso at Senado.

Inilantad ni Yorme Isko na maraming partylist representative ay galing sa mayayaman at maiimpluwensiyang dinastiya ng politika.

Sa totoo lang ani Isko, hindi totoong kumakatawan ang halal sa partylist ang mahihirap at walang representasyong sektor ng mamamayan.

“Kailangan tayong gumawa ng isa pang batas, through the help ng magagaling na mambabatas o sa pamamagitan ng people’s initiative para tuluyan ng mabago ang political system natin,” paliwanag ni Yorme Isko.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.