Advertisers

Advertisers

Robin kinukumpentensiya ni Jeric

0 328

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOONG kanilang kapanahunan bilang action stars, sina Robin Padilla at Jeric Raval ang pinagsasabong noon.
Katunayan, may mga pagkakataong nagtatapat ang kanilang mga pelikula sa takilya.
Pagdating din sa pagiging matinik sa mga babae, masasabi mong may kumpentensiya rin ang dalawa.
Fast forward, ngayon, pareho nang pamilyado ang dalawang senior actors.
Si Robin ay kasalukuyang kumakandidato sa isang national posisyon ngayong 2022 elections pero hindi pa naman siya nawawala sa sirkulasyon.
Noong panahong may pinagdadaanan ang relasyon ng kanyang anak na si Kylie Padilla at ng mister nitong si Aljur Abrenica, siya ang unang nag-ispluk na hiwalay na ang dalawa.
Siya rin ang nag-divulge na sa palagay niya ay may third party na involved sa hiwalayan blues ng mag-ex. Sa kaso naman ni Jeric, may asawa’t mga anak na rin siya.
Isa sa mga anak niya ang sexy actress na si AJ Raval na nababalita namang nali-link kay Aljur.
Sa ngayon, wala pa ring pag-amin sina AJ at Aljur sa kanilang relasyon.
Pero ang nakakaloka, ang ama nitong si Jeric ay inamin sa isang panayam na totoong magkarelasyon na sina AJ at ang ex ng anak ng kanyang dating box-office rival.
May mga nagtatanong tuloy, uso na raw ba ngayon na ang mga magulang ang nag-i-squeal tungkol sa tunay na estado ng love life ng kanilang mga dyunakis o itoý nagkataon lang.
May nang-uurot din na tila ‘peg’ daw ni Jeric na gayahin si Binoe dahil hindi pa raw ito “over” sa kanilang kumpetisyon.
Ani Jeric sa isang interview, minabuti na niyang magsalita to set the record straight.
Nasasaktan kasi siya kapag naaakusahang ‘kabit’ umano ang kanyang anak na si AJ. Hirit pa niya, nagmamahalan daw ang dalawa at sa totoo lang ay hiwalay na si Aljur kay Kylie.
Dagdag pa niya, hindi raw niya hahadlangan ang kaligayahan ng anak kung sa palagay nito ay kay Aljur ito liligaya.