Advertisers

Advertisers

Comelec, nagpo-propanda sa debate disqualification issue?

0 271

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “ … Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan…” (Mga Kawikaan 22:6, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

COMELEC ANNOUNCEMENT SA DISKUWALIPIKASYON NG MGA KANDIDATONG DI DUMADALO SA DEBATE, MAITIM NA PROPAGANDA AT PANINIRA: May masamang propaganda at maitim na paninira laban kay dating Senador Ferdinand BBM Marcos, ang laging nangungunang kandidatong pangulo sa Halalan 2022, ang Commission on Elections (Comelec).



Tungkol ito sa pagkilos ng Comelec na inihahayag nito sa media upang i-diskuwalipika, o tanggalin bilang kandidato, ang sinumang presidential candidate na hindi dumadalo sa mga debateng itinatakda ng poll body.

Lantaran itong pagkiling sa mga kalaban ni Marcos, dahil lumilitaw na pinapaboran ng Comelec ang mga dumadalo sa debate kahit wala naman silang mabuting sinasabi.

Ito ang sinasabi ng mga abogado ng BATAS, o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan, at LIGHT, o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth, noong umaga ng Martes, 05 Abril 2022.

Maituturing ding impeachable offense ang ganitong pagpapahayag ng Comelec, dahil ang mga pahayag nito sa disqualification ng kandidato na hindi dumadalo sa mga debate ay graft and corruption, sa ilalim ng Section 3 ( e) ng Republic Act 3019, sabi pa ng mga abogado.

-ooo-



DI PAGDALO SA DEBATE NG COMELEC, HINDI BATAYAN SA DISQUALIFICATION NG SINUMANG KANDIDATO: Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1989, ituturing na batayan sa impeachment ang anumang uri ng korapsiyon ng mga nakaupong opisyales.

Ilang araw na kasi ngayon, nagpapahayag sa media si Commissioner George Erwin Garcia ng pagsusulong ng Comelec ng diskuwalipikasyon ng mga kandidatong hindi dadalo sa mga debateng ang poll body ang nag-oorganisa.

Ayon kay Garcia sa ulat na inilabas ng ABS CBN News online noong Abril 04, 2022, “the poll body wants to make the debates it organizes mandatory, especially in the next elections…”

Ang maliwanag na tinutukoy ni Garcia dito ay ang hindi pagdalo ng dalawang beses na, ni Senador Marcos, o BBM sa buong bansang Pilipinas, sa presidential debate na isinagawa ng Comelec.

Sa mga ulat ng media, nauna ng sinabi ni BBM na mas mabuti pang dumidiretso na lamang siya sa pangangampanya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Sa pananaw ng mga dalubhasa sa halalan, wala namang buting idinudulot ang ganitong mga debate, dahil hindi naman talagang natatalakay ang mahahalagang isyu at mga problemang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

-ooo-

MGA ABOGADO, HUMILING SA COMELEC NA ITIGIL NITO ANG KANIYANG MGA PAHAYAG SA MGA IKINIKILOS NG MGA KANDIDATO: Ganundin, pinuna ng mga abogado ng BATAS at LIGHT ang Comelec sa mga ipinapahayag ni Commissioner Garcia na nais ng poll body na madiskuwalipika ang mga kandidatong hindi dumadalo ng mga debate.

“Ang sinasabi ni Commissioner Garcia ay pagkutya at paninira kay BBM, at paghikayat sa mga botante na huwag siyang suportahan,” dagdag din ng BATAS at LIGHT.

Maliwanag din na labag sa Saligang Batas ang sinasabi ng Comelec sa pamamagitan ni George Garcia na ipadidiskuwalipika nito ang sinumang kandidato na di dadalo sa debate. Wala kasi sa Konstitusyon ang di pagdalo ng kandidato sa debate bilang batayan sa disqualification nito, sinabi ng mga abogado.

Itong ganitong mga pahayag ay nakakapagbigay ng di makatwirang pinsala sa isang mamamayang tumatakbo sa panguluhang gaya ni BBM, at nagbibigay naman ng di makatwirang pabor sa mga kalaban ni BBM, ayon sa kanila.

Sa ngayon, hiniling ng mga abogado ng BATAS at LIGHT na tumigil ang Comelec sa pagsasalita sa mga bagay na alam nitong makakasama sa mga kandidato, anuman ang kanilang kulay.

-ooo-

MANOOD, MAKINIG! REAKSIYON? Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/Kakampi Mo Ang Batas, Radyo Pilipino stations, Luzon, Visayas, and Mindanao, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Newsbreak Media Company, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network. Para sa mga reaksiyon: +63 947 553 4855, batasmauricio@yahoo.com.