Advertisers

Advertisers

‘DI PAGBABAYAD NG PAMILYA MARCOS NG P203B ESTATE TAX, UNFAIR SA MGA MANGGAGAWA

0 139

Advertisers

ANG pagkukumahog ng mga Filipino na makapaghain ng income tax return sa Abril 18 ay kabaligtaran sa pagtanggi ng pamilya Marcos na bayaran ang P203B estate tax na utang.

 

“Such exercise of good citizenship contrasts with how the Marcoses violate tax laws and court decisions with impunity,” ayon kay senatorial aspirant Alex Lacson.

 



“Dapat isang magandang halimbawa ang pangulo bilang mahusay na nagbabayad ng buwis, at hindi modelo ng tax evader,” ayon pa sa abogado na tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan banner.

 

“Sasabihin ng isang small bakery owner, ‘Bakit nyo naman sisimutin ang kita ko at lalakihan ang assessment para lang makakolekta ng ilang libo na meron namang bilyon-bilyong pisong dapat kolektahin?’’ ayon kay Lacson.

 

“Tapos kapag hindi nakabayad, o may deficiency sa tax, napakabilis ng BIR na maningil, samantalang ang P203 bilyon na estate tax ng mga Marcos, 23 taong hindi nasingil,” aniya.

 

Dagdag pa niya, papaano mapapasusunod ng isang pangulo ang simpleng manggagawa na tuparin ang pagbabayad ng buwis kung siya mismo ay ayaw magbayad.

 

“Habang ang mga tao ay pumipila at nagmamadaling mag-file ng ITR, makikita nila itong pamilyang Marcos na nagmamatigas at ayaw bayaran ang P203 estate taxes,” himutok ni Lacson.

 



Inilipat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain at pagbabayad ng 2021 income tax return sa Abril 18 dahil pumatak bilang holiday ang tradisyunal na Abril 15.

 

“Paano makukumbinsi ng pamahalaan ang mamamayan na magbayad ng tamang buwis at maghain ng tax returns kung ang kanilang lider ay nahatulan bilang tax evader,” giit ni Lacson.

 

Itinakda ng BIR na makakolekta ng P2.43 trilyon sa taong ito, pinakamalaki sa overall revenue target na P3.30 trilyon.

 

Ngunit, hindi sapat ang halaga upang pondohan ang P4.95 trilyong aktuwal na gastusin para sa 2022, kaya magkakaroon ng deficit o kakulangan ng P1.65 trilyon na pupunan sa pamamagitan ng pag-utang.

 

Tinayang madodoble ang kasakuluyang national debt sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte mula sa 2016 level na P6.09 trilyon tungo sa P13.41 trilyon sa Disyembre.

 

“Para hindi lumobo ang utang natin, kailangan maging ehemplo ang pangulo ng tamang pagbabayad ng buwis,” ayon kay  Lacson.