Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ISANG malaking gift para sa 37th birthday ni KC Concepcion nitong Abril 7 at dream come true rin na dumating sa kanyang buhay ang pagbabalik-acting.
Kaya magkahalong saya at excitement naman ang nadarama ni KC.
Matatandaan na nagtagal siya sa New York para ipagpatuloy ang pag-aaral na sinabi ng singer-actress noong September 2021.
Time management for sure ang gagawin ni KC para mapagsabay ang studies at work.
Sa US magaganap ang comeback acting ni KC kaya ganun na lang ang kanyang pasalamat sa Itaas sa panibagong blessing.
Kahit ang Megastar Sharo Cuneta ay binati si KC sa pagbabalik akting ng anak.
Nagbigay ito ng mensahe na kahit na ano pa nga raw ang mangyari ay nanay pa din siya ito at nandiyan lang to support ang anak.
Inamin ni Sharon nami-miss na niya ang panganay na anak na si KC at sweet naman ang pag-I love you ni Megastar sa anak.
***
TILA sumang-ayon ang basher na hindi na nga bata pa si Bea Alonzo para taguriang young star.
Sa kabila na ubra pa naman kay Bea na ma- belong sa pagiging young star dahil looking young pa rin ito kahit 35 years old na.
Pero may basher na nagsasabi na hindi na nga raw maituturing na young star ang aktres-vlogger na si Bea.
Talagang goodbye na nga raw ang beauty nito sa pagiging young star.
Maituturing na raw na senior star si Bea dahil sa kanyang edad.
Pero may umaalma na mga maka-Bea na ‘di pa naman daw ganun katanda ang kanilang idol para ilagay sa kategoryang senior star.
Carry pa naman daw nito na itambal sa kahit na sinong bata pa na aktor tulad ni Alden Richards.
Sa kabilang banda ay ‘di pa rin siya tinatantanan at ayaw tigilan sa pagbanat ni Manay Lolit Solis sa pag-stratch ng name nito sa isang presscon.
Well, well, well…’Yun na!