Advertisers

Advertisers

Isko, ineendorso mismo ng taumbayan

0 201

Advertisers

“ENDORSEMENTS are important but I am also happy going straight to the people and getting endorsed by them directly.”

Ito ang pahayag mismo ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng kanyang pasasalamat sa lahat ng suportang natatamo niya mula sa mga ordinaryong mamamayan.

“I am happy for those candidates who are getting endorsements. Gagaan ang buhay ng kampanya. Ako, mas gusto ko sa tao diretso manggaling ang endorsement bilang ordinaryong mamamayan,” sabi ni Moreno.



Idinagdag pa niya na: “Ikaw bilang botante, ang boto mo at ng malaking tao, pag binilang, parehong isang guhit lang ‘yun.”

Ayon kay Moreno, hindi maipagkakaila na napakahalaga ng endorsement ng mga political at business groups para sa kanya, gayunman ay kasinghalaga din ito ng suporta ng masa.

“We will never stop or change our strategy. Kung ‘yung iba, dinadala ang mga tao sa kanila, tayo naman, pupunta sa mga tao. It is tedious, mahirap pero mas mahirap ang dinaranas ng tao,” ayon pa kay Moreno.

Binanggit ni Moreno na nagpag-alaman niya mismo kung paano ang mga tao sa ilang bahagi ng bansa ay walang malinis na tubig na maiinom, walang internet at wala ring mapagkunan ng kuryente.

“Hinihingal ang internet, ang kuryente me hika, sinisinok. Kumakain ka biglang patay ang kuryente mga ten minutes bago bumalik. Tayo (in the metro) nangangarap ng big facilities samantalang sila basic necessities lang,” ayon pa sa alkalde.



Ayon kay Moreno, marami siyang natutunan sa kanyang mga campaign sorties na nagdala sa kanya sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
Dahil sa kanyang mga personal na napag-alaman , sinabi ni Moreno na hindi na siya malilinlang o mapapaikot ng kahit na sinong opisyal ng gobyerno pag dating sa mga sa mga problemang kinakaharap ng malalayong lugar, kapag siya na ang pangulo ng bansa. (ANDI GARCIA)