Advertisers
Ni WALLY PERALTA
AFTER almost 2 decades sa showbiz world, tila hindi hihinto sa patuloy na pamamayagpag ng kanyang karir ang binansagan ng kanyang mother network, ang TV5, ng The Majestic Superstar si Maja Salvador.
May successful TV career si Maja, muling pumirma ng bagong kontrata sa TV5 at parte pa rin siya ng Kapuso longest running noontime show na “Eat Bulaga” kung saan ay mayroon siyang sariling segment ang ‘Dancing Kween’.
“I feel so honored and excited sa bagong projects ko. After 19 years in showbiz, I still have so much to be thankful for. My first new project is a sitcom. This is a concept from Rambo Nunez. We presented it to TV5 at nagustuhan naman nila. This will be line produced by our own Crown Artist Management at malaking project ito. We intend to air it sa third quarter of the year,”ang say ni Maja.
Aside from new sitcom, may nakalatag na rin isa pang bagong serye ang gagawin ni Maja, right after ng pagtatapos ng kanyang ongoing serye sa TV 5, ang ‘Nino Nina’. Sa dami ng kanyang shows tila napag-iwanan na si Maja ng kanyang mga ka-batchmate sa showbiz, na halos lahat ay may asawa at anak na, kamusta naman kaya ang plano nila ng boypren at co-manager na si Rambo Nunez? Any wedding bell soon?
“Hindi po namin alam. Kasi kung darating po yan, basta darating. Kung mangyayari yan, mangyayari. At kung mangyayari nga, don’t worry kasi ever since, hindi naman namin ipinagdaramot ni Rambo ang story namin sa inyo. Basta when the right time comes, ipagdasal po natin yan,” ang dagdag pang say ni Maja.
***
First love never dies……
SARAH LIROEJAVIER, BALIK-SHOWBIZ
REMEMBER Sarah Liroe Javier? Dating member ng “That’s Entertainment” Monday group na napasok sa teen show bago pa man mapalitan ito ng ‘DATS’. Dahil sa taglay na ganda ng mukha at talent sa pagkanta at pag-arte ay hindi naging mahirap para kay Sarah na makapasok sa naturang teen show. At nitong nakaraang matagumpay na 6th PMPC Celebrity Badminton Tournament ay isa si Sarah ang taos pusong nagpaunlak na dumalo at nakipaglaro pa sa kapwa niya celebrities. Taglay pa rin ang kagandahan at artistahin looks ni Sarah na ngayon ay nagbabalik-showbiz para sundin naman ang kanyang naudlot na pangarap noon na maging artista. Maaga kasi siya nakag-asawa, naging full pledged mother and wife at nanirahan sa States kasama si dyowa.
Nagbalik-Pinas after almost 2 decades at naging bussinesswoman at ngayon nga ay muling pagbibigyan ang pangarap. Unang sumabak sa suspense thriller na “Nelia” ni Winwyn Marquez na naging isa sa official film nitong 2021 MMFF.
At ngayon ay nakasama at isa na rin sa “Ang Bangkay” na dinerehe ni Direk Vince Tanada, kung saan ay ipapadala ang naturang movie sa iba’t ibang international film festival.
Sa amin tsikahan ay natanong ko si Sarah kung may balak din ba siyang mapasama sa isang teleserye na kakain ng maraming panahon at oras lalo pa may successful health product bisnes siya ngayon?
“I will love too. Sana nga ay mapansin ako ng mga TV network at mapagbigyan na lumabas sa teleserye. Tulad ng sinabi ko para naman sa akin ‘first love’ na pagiging isang artista ang dahilan kung bakit ako nagbalik-Pinas. Napagtapos ko na sa pag-aaral ang aking anak at suportado naman ako ng aking mister kaya push ko ito,” saad ni Sarah.
But wait there’s more. Excited na si Sarah sa nalalapit na launching ng kanyang panibagong single na siya mismo ang sumulat ng kanta, ang “Ihip Ng Hangin”.