Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SIGURADONG malulungkot ang mga tagahanga nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes dahil hanggang loveteam na lang talaga ang mamamagitan sa dalawa. May boyfriend na kasi si Andrea. At ito ay ang basketeer na si Ricci Rivero.
Noon pa man ay nali-link na sina Andrea at Ricci. Lagi kasi silang spotted na magkasama. Pero hindi pa pala sila magkarelasyon that time. Nanliligaw pa lang ang huli sa una.
Nito pa lang Saturday, sinagot na ni Andrea si Ricci. At nangyari ‘yun sa Mall of Asia.
Nagkaroon kasi ng laban ang UP Maroons, na kinabibilangan ni Ricci at FEU Tamaraws sa nasabing mall. Nandoon si Andrea para suportahan si Ricci.
Pagkatapos ng laro, nagkaroon ng public announcement si Ricci. “Thank you for coming today. I just want to ask Blythe (nickname ni Andrea) to be my girlfriend?” ang tanong ni Ricci habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na “YES” at “No.”
Dumagundong ang malakas na hiyawan sa loob ng MOA Arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na “YES” na kumpirmasyon na sinasagot niya na si Ricci.
Nasa kalayuan mula sa kinatatayuan ni Ricci ang puwesto ni Andrea at bawal bumaba ang audience sa kinaroroonan ng mga player.
Kaya bago pumunta sa dug out, isang malakas na “I love you!” ang isinigaw niya para kay Andrea.
Ngayong boyfriend na ni Ricci si Andrea, siguradong bubuwagin na ng ABS-CBN ang loveteam nina Seth at Andrea. Paano pa kasi silang tatangkilikin ng kanilang mga fan kung ganyang may boyfriend na si Andrea, ‘di ba?
Nanghihinayang kami sa loveteam nina Andrea at Seth.
***
NAKAUSAP namin si Marcus Madrigal. Ayon sa gwapo pa ring aktor, may natapos siyang gawin pelikula. ito ay ang Z Love mula sa AQ Entertainment. Kontrabida ang role niya rito.
Okey lang naman sa kanya na nalilinya siya ngayon sa ganoong klase ng role.
“Siyempre kapag artista ka, kahit paano, kailangang gawin mo lahat. Kasi siyempre, mahirap mag-stick ka lang sa isang genre,”sabi ni Macus
Natutuwa rin si Marcus na sa kabila ng pandemya, ay may mga projects na dumarating sa kanya. Bukod sa Z Love, ay abala rin siya sa taping ng Primadonnas Book 2..
“So far, so good, awa ng Diyos, surviving pa rin in this time of pandemic,”.
Pero aminado naman ang aktor na naapektuhan din siya ng pandemic.
“Apektado ako before financally. Unang-una, tigil lahat. walang work. Hindi lang naman ako. I have a friends from hotel industry. Fiend ko na isang piloto, apektado rin. And ‘yun! Sabi nga nila, mahirap talagang subukan ang Diyos, di ba?”
Samantala, inamin ni Marcus na during his younger days ay marami siyang pinagdaanan. Nambabae siya at nasubukan na rin niyang gumamit ng marijuana. Pero hindi naman siya na-hook dito.
“Ayokong maging iporkrito. Siyempre kabataan, maraming tukso talaga diyan. Kasi it’s a part of growing up, eh. Saka nandoon yung curiosity.
“Number 1, artista ka. May mga times na gusto kong malaman kung paano ko ipo-portray yung ganoong role, kaya gusto kong ma-experience. Kaya you need to experiment yourself,”paliwanag pa niya.