Advertisers

Advertisers

PRES. DUTERTE IBINIDA NI BONG GO

0 246

Advertisers

SA kabila ng mga balakid na dala ng iba’t ibang kalamidad dagdag pa ang pananalasa ng COVID-19 Pandemic ay mahusay na nagampanan ni President. Rodrigo Duterte ang kaniyang panunungkulan sa halos 6-taon bilang pangulo ng ating bansa.

Naibida ito ni Senator Christopher “Bong” Go nang kapanayamin ito ng mga media sa kaniyang naging pagdalaw sa mga nasunugan sa Sta. Cruz, Manila nitong nakaraang Biyernes April 8, na ang kasalukuyang administrasyon ay epektibong naisakatuparan ang mga programa’t polisiya para sa komportableng pamumuhay ng buong mamamayan.

“Marami po siyang na-deliver sa kanyang mga pangako. Ako po ay saksi at saksi ang taumbayan dito. Tanungin n’yo na lang po ang inyong mga kapitbahay kung nakakalakad na ba sila sa gabi — hindi tulad noon na takot tayo sa kriminal,” paliwanag ni Go.



“Ngayon, ang kriminal po ang dapat matakot — sila po ang walang karapatan na maglakad sa gabi. Ang taumbayan naman ay gustong mabuhay ng tahimik — sila po ang may karapatan,” pagpupunto ni Go na ang tanging hinangad ni PRRD ay ang maprotektahan ang karapatan ng bawat Filipino para magkaroon ng seguridad at kapayapaan.

Naihayag din ni Go na bagama’t mahirap makamit ang mga pangako ng Presidente dahil sa COVID-19 pandemic ay nagawa pa rin ng administrasyon ang mga infrastructure development, poverty reduction, paglaban sa corruption, peace and order at iba pang mga programa sa iba’t ibang mga lugar.

“If not for the pandemic na dumating sa buhay natin, ‘yun lang talaga ang pinakasagabal sa lahat. Kung hindi dumating itong pandemya … ang ganda na po ng lipad natin. Biglang bumagsak lang,” saad ni Go.

“Ngayon po, unti-unti na tayong umaangat at hopefully tuluy-tuloy po ito hanggang pagtapos ng termino ng ating mahal na Pangulo,” dagdag pa niya.

Bukod sa epektong dala ng pandaigdigang krisis sa pangkalusugan ay naobserbahan ni Go na ang 6-taon ay kulang para maisakatuparan lahat ng Presidente ang mga plano’t programa para sa bansa. Gayunpaman, ang mga kampanyang ipinangako ni Pres. Duterte ay naisagawa pa rin nito.



“Campaign promise ni Pangulong Duterte, campaign against drugs, campaign against criminality, campaign against corruption in the government. Tinutupad n’ya po ‘yun… Napakaikli ng anim na taon para tapusin n’ya ito totally — mahirap po, pero ginawa n’ya po lahat sa abot ng kanyang makakaya,” pagpupunto ni Go.

“Di ko naman masasabing perpekto dahil marami naman talagang sagabal. Marami kang gustong gawin na kabutihan pero meron talagang sagabal d’yan sa lahat. Pero very good — enough na po —- ibig sabihin, nine out of ten promises po ang natupad,” dagdag pa nito.

Inihayag din ni Go ang ilan sa mga pangunahing accomplishments ng Presidente tulad ng Build, Build, Build program na nakapagpatayo ng mga airport, seaports, expressways, bridges at iba pang major infrastructures sa buong bansa. Ang programa ang siyang naging daan para sa “Golden Age of Infrastructure”. ng ating bansa.

Karagdagan sa Universal Healthcare Law na pinagtibay sa termino ni Pres. Duterte ay nilagdaan din nito ang RA 11463 para sa pagkakatatag ng Malasakit Centers program. Pangunahing inakdaan at inisponsoran ni Go na ang nasabing batas ay naglalayong makapagbigay ng kaalwanan sa medical assistant para sa mahihirap at indigent patients. Sa kasalukuyan ay mayroong 151 Malasakit Centers na umaasiste sa mahigit 3 milyong Filipino sa buong bansa.

Samantala, maraming Filipino migrant workers ang patuloy na nakakabenepisyo mula sa iba’t ibang inisyatiba sa ilalim ng Duterte Administration, kabilang na ang pagkakalikha ng Department of Migrant Workers (DMW) at pagpapatayo ng Overseas Filipino Workers Hospital sa San Fernando City, Pampanga at iba pa. Si Go ang principal author at co-sponsor ng DMW Act.

Pinagtuunan ng Duterte Administration ang pagpapanatili ng peace and order sa ating bansa lalo na sa rural areas. Base sa Philippine National Police, ang crime rate sa ating bansa ay bumaba ng 73.76% mula 2016 to 2021 at sa kabila ng mga kritisismo, ang anti-illegal drugs campaign ay nagresulta ng maganda na nakapagtala ng 1,223,634 drug surrenderees as of October 20, 2021.

Nilagdaan din ni Duterte ang pagkakalikha ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na solusyon sa ugat ng local insurgencies. Noong October 2021 ay 20,013 rebels ang sumorender sa gobyerno at binigyan ng pangkabuhayan para sa kanilang pagpapanibagong buhay sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), na nalikha sa ilalim ng
Administrative Order No. 10 na inisyu ni President Duterte.

“So he did his best, ginawa na po ni Pangulo ang lahat. In fact, sabi ko nga sa inyo, dahil sa ginawa n’ya po ang kanyang trabaho, lahat-lahat —- talagang piniga po s’ya ng kanyang trabaho at no regrets po ang Pangulo dahil para naman po ito sa kinabukasan ng ating mga anak,” giit ni Go.
“Mahirap talaga maging Pangulo…Sobrang hirap pero no regrets s’ya dahil na-deliver naman po n’ya ang mga gusto n’yang gawin para sa kinabukasan ng ating mamamayan,” pagpapatuloy nito.

Bilang public servant si Go ay inihayag niyang ipagpapatuloy ang pagkakaloob ng kaukulang suporta sa mamamayan at masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

“Ang trabaho naman namin (bilang senador) ay constituency, representation at legislation. Andito po ako para tumulong at makapagbigay ng solusyon sa mga problema at makapag-iwan ng konting ngiti sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. Nawawala po ang aking pagod (kapag nakakatulong sa kapwa),” pahayag ni Go.

“Kung ako naman ang tatanungin wala rin po akong panghihinayang dahil bisyo ko ang magserbisyo. Napapasaya ko sila, nakakapagserbisyo po ako,” saad pa niya.