Advertisers
Muling binigyang diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan na unahin ang kalusugan, kasabay ng patuloy na pagtulong upang mapagaan ang buhay ng naghihirap na Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Binisita ng team ng senador ang mga bayan ng Clarin at Tubigon sa Bohol kung saan namahagi sila ng relief sa libo-libong Boholanons.
Sa kanyang video message, hinimok ni Go ang mga may karamdaman na humingi ng medical assistance sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City o sa Don Emilio Del Valle Memorial Hospital sa Ubay kung saan matatagpuan ang Malasakit Centers na makatutulong sa kanilang gastos sa ospital.
“Mga kababayan ko diyan sa Bohol, kamusta po kayo? Kung meron po kayong nararamdaman at nais niyong magpaospital, lapitan niyo lang po ang Malasakit Center na malapit sa inyong lugar,” panghihikayat ni Go, na siyang punong may-akda at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.
“Para po sa inyo itong mga Malasakit Centers, pera niyo po yan. Isinulong ko po yan at ginawang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Andiyan na po sa loob ang apat na ahensiya ng gobyerno, DSWD, DOH, PCSO, at PhilHealth, na handang tumulong sa inyo,” paliwanag pa niya.
Upang matiyak ang ligtas at epektibong pamamahagi, hinati ng team ni Go ang 3,140 beneficiaries sa mga grupo at nag-organisa ng tatlong magkakahiwalay na relief activities sa Clarin Public Market, Bohol Island State University, at Tubigon Municipal Gymnasium.
Namahagi sila ng mga mask, pagkain at pinagkalooban din ang ilang indibidwal ng mga sapatos at computer tablets.
Samantala, ang mga kinatawan naman mula sa Department of Social Welfare and Development ay nagbigay naman ng financial assistance sa bawat indibidwal upang makatulong sa kanilang mga pangangailang.