Advertisers
SUMANDAL ang University of the Philippines sa kanilang malagkit na depensa sa fourth quarter upang ilatag ang 84-76 wagi laban sa makulit na National University, Martes sa Mall of Asia Arena.
Ito ang ika-pitong magkasunod na tagumpay ng Fighting Maroons sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.
Ito ang pinakamahabang winning run ng Maroons sa UAAP’s Final 4 era. Tinuldukan rin nila ang two-game winning streak ng Bulldogs, para malaglag sa 4-4.
Nagtala si Rookie big man Carl Tamayo ng 21 points, 10 rebounds, three steals at two assists, Habang si Ricci Rivero at Zavier Lucero nag-ambag ng tig-16 marka para sa Fighting Maroons.
Ang UP ay nagtala ng 45.5% sa kanilang shots kontra sa malamyang depensa ng NU.
Cagulangan tinapos ang laro na may seven points at eight assists.
Clemente umiskor ng 18 points, habang si Torres nagdagdag ng 15 para sa Bulldogs.Malonzo ay kinapos ng isang puntos para sa double-double na may nine points at 15 rebounds.