Advertisers

Advertisers

PH BEHROUZ BEST BETS PAPASIKLAB SA PARIS SWIMFEST

0 176

Advertisers

PAPAKITANG-GILAS ang walo- kataong Philippine BEST (Behrouz Elite Swimming Team) sa prestihiyosng 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine sa Mayo 13-15 sa Paris, France.

Ayon kay Joan Mojdeh, team manager ng koponan, na kabilang ang torneo sa inilatag nilang programa para mapataas ang antas ng galing at pagiging kompetitibo ng mga batang swimmers na pawang lumilikha ng kani-kanilang pangalan sa lokal at international tournament.

“Our mission is to enhance the talents of our swimmers from grassroots to elite. Unti-unti na-achieve namin for years and now isinama na namin sa programa ang international tournament. Kailangan ng mga bata ang experience and an international competition is the best for them,” pahayag ni Mojdeh.” I hope ma- approve na ang kaukulang travel documents ng mga bata sa lalong madaling panahon”.



Makakalanguyan ng mga pambatong batang Pinoy ang mga malalaking pangalan sa mundo ng swimming na lalahok sa torneo sina Swiss Jérémy Desplanches, bronze medalist sa 200- m breast sa 2021 Tokyo Olympics, 2021 European champion Enzo Tesic, at Charlotte Bonnet.

“Malaking kompetisyon ito na lalahukan ng mga Olympian at European champions,” ayon kay Mojdeh.

Pangungunahan ang koponan nina National Junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh at swimming prospect Hugh Antonio Parto – umukit ng marka sa katatapos na FINIS Short Course swimming series –Luzon leg sa Clark – sa naitalang sweep sa anim na nilahukang event.

Ang 15-anyos at Grade 10 student sa Brent International School-Manila na si Mojdeh, nagwagi ng isang ginto, dalawang silver at dalawang bronze, ang may tangan ng Philippine record sa 200 IM, 200 fly at 100 fly (13 under class), habang ang 16-anyos na si Parto, mula sa La Salle-Lipa at bahagi ng pamosong ‘Lucena Boys’, ang may tangan sa Ph Junior record sa 100 fly at 200 fly (13 under).

Gagabayan ang koponan nina Head Coach Virgilio De Luna at Strength and Conditiioning coach Jerricson Llanos.



“Young and talented. This swimmers is the future of Philippine swimming,” pahayag ni De Luna.

Kasama rin sa koponan sina Jordan Ken Lobos, 18, ng Calayan Educational Foundation Inc. At Palarong pambansa champion; Marcus Johannes De Kam, 16, 2019 national member sa Asian Age Group Swim Champs sa Bengalaru India;Yohan Mikhail Cabana ,16, Grade 10 sa Internatinal School of Better Beginnings; Nicholas Ivan Radovan, 16, Grade 10 Finis SC Gold medalist; Lance Arce Lotino ,18, Calayan Educational foundation Inc . at Julia Ysabelle Basa, 15, ng Immaculate Heart Of Mary College of Parañaque ay multi-gold Gold Medalist Asian All Star Beijing China 2019.