Advertisers
Ni BETH GELENA
GRABE ang fight scenes ng FPJ’s Ang Probinsyano nitong Biyernes ng gabi, April 8, na pinagbibidahan ni Coco Martin a.k.a. Cardo Dalisay.
Matagal na inaabangan ng televiewers ang muling paghaharap nina Richard Gutierrez at ang grupo ng Black Ops na ang lider ay si Geoff Eigenmann.
Nakakapanabik na mga eksena ang mga susunod na episodes. Hostage na ni Cardo (Coco) ang pekeng presidente na si Oscar Hidalgo (Rowel Santigo), lilitaw na kaya ang orihinal na presidente?
Tugma rin sa panahon ng halalan ang content ng FPJAP dahil tumatakbong presidente si First Lady Lorna Tolentino.
Yan ang ilan sa mga kaabang-abang na eksena na aabangan sa FPJAP.
***
NADINE FIRST TIME UM-ATTEND SA KAKAMPINK RALLY
HINDI binigo.ni Nadine Lustre na siya ay sasama sa mga Kakampink sa Pampanga rally na ginanap nitong April 9.
Agad na nag-viral ang kuhang video sa pagsulpot ni Nadine sa campaign site
Nagpost kasi ang aktres ng isang art card sa kanyang Twitter account na ipinaalam niya na siya ay dadalo sa grand rally ni VP Leni Robredo sa Pampanga – dubbed as the Manalakaran rally.
Ibinahagi ng mga netizen ang pagdating ni Nadine na nakasuot ng signature niyang OOTD na white color.
***
PINATUNAYAN ni Angel Locsin na kahit wala siyang make-up ay sadyang maganda siya.
Sa kanyang socmed account na @therealangellocsin ipinost niya ang selfie picture na walang bahid make-up.
Napakanatural ng kanyang beauty na hinangaan ng marami, “no makeup,” “no filter.”
Aniya sa caption sa kanyang larawan: “Thinking of a new hairdo. Any suggestions?”
“This is me kapag toothbrush lang ang labanan sa umaga, [laughing out loud]. No makeup, no filter, no suklay and of course—no ligo.”
Meaning yan ang hitsura ng aktres kapag bagong gising, huh!
Kaya naman pala inlababo so much ang asawang si Neil Arce, pagmulat agad ng kanyang mata sa umaga ay magandang asawa ang agad na makikita.
Samantala, naka-reach na si Angel ng 25 million followers sa Facebook last month.
***
ANNE MAGHO-HOST NG IDOL PH
MALAPIT na ang Season 2 ng Idol Philippines.
Sina Vice Ganda, Regine Velasquez at Daniel Padilla (di ba dati si James Reid?—ed) pa rin ang nasa listahan ng mga hurado.
Nawala sa original judge si Moira dela Torre na pinalitan umano ni Rico Blanco.
Si Anne Curtis ang magsisilbing host ng Idol Philippines kapalit ni Billy Crawford.
May agad na nagkomento nang malamang si Regine ang isa muli sa mga judge ng IP.
“Nakakasawa na si Regine. Sa tutuo lang wala syang karapatan magjudge ng performance ng mga contestant dahil sya mali mali ang lyrics nya pag kumakanta sya. Panuorin nyo yung version nya ng Listen Iam The Dog Who Leave You.” May nagtanong naman, “Wala nah c Moira?”
Yan ang hindi po namin alam.
Ang nasagap lang po namin ay isa na si Rico sa mga hurado na sa aming palagay ay mas.credible naman kay Moira bilang hurado sa singing contest.
Yun lang po ang aming opinyon.