Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI mapapa subalian na isa sa mga hugot loveteam na sadyang minahal at sinuportahan ng masa ay ang tambalan nina JC Santos at Bela Padilla.
Halos lahat ng pelikulang ginawa nila together ay naging hit sa takilya at maging sa mga kritiko. Kaya ganun na lang ang saya ni JC nang muli silang magsama ni Bela sa bagong movie na ito mismo ang nagdirek, ang ‘366’ that starts streaming exclusively on Vivamax starting on April 22.
“Maganda yung working relationship namin at hindi na siguro ako makakahanap ng ganyang ka-tandem na kahit anong scene or movie ang gawin namin, it always works. Lalo na ngayong director ko na siya, she brings me out of my comfort zone and it’s so much fun.
“I have this much love and respect for her. Sabi ko nga sa kanya, kahit dumating kami in our 40s or 50s or 60s, I hope we’ll still do movies together,” say ni JC.
Ano naman kaya ang advantages na maging direktora ang kalabtim na si Bela?
“It’s always exciting to work with Bela as we bring out the best in each other. But as the director now, the challenge is for her how to make this different from all the other movies we’ve done together.
“I’m so glad to be part of her first movie as a director as she’s really doing great. Ang maganda kasi, tantiyado na niya ang mga puede kong gawin bilang aktor at kaya niya rin akong i-push to get more from me,” dagdag na say ni JC.
***
LEXI GONZALES AT GIL CUERVA, MAGSYOTA NA
WALA nang tago-tago pa sina Starstruck female Avenger Lexi Gonzales at Kapuso hunk actor/host na si Gil Cuerva, sa tunay na relasyon nila ngayon.
Wala man diretsahang pag-amin ay open naman sila sa publiko sa pagiging sweet sa isa’t isa. Lumalim ang kanilang relasyon nang magsama sa isang serye nina Gabbi Garcia at boypren na si Khalil Ramos, ang “Love You Stranger”.
Minsan nga ay naispatan pa ang apat na magkakasama na tila double date. May mga kuhang larawan sa naturang double date na magkayakap sina Lexi at Gil. At nang kumustahin ang very blooming ngayon na si Lexi ang personal na buhay niya ay todo ngiti pang sinabi nito na masayang-masaya siya.
Ano kaya ang iba pang katangian ni Gil ang nagustahan ni Lexi siyempre bukod sa pagiging loving at gentleman ng binatang aktor?
“Si Gil, yeah, he loves to eat also. Mahilig talaga siya kumain. At super lakas talaga niya kumain, hindi siya makaka-last nang konti lang ‘yung kinain niya. Oorder siya ngayon ng chicken, tapos may isa pang chicken na oorder, gano’n.
“I think it’s one of our bondings din. Us, siguro few times a month, wala lang, we just go out and eat. Lalo na ngayong lumuwag na, so nag-sa-start na kaming umikot,” say ni Lexi.