Advertisers
MULING nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong PRIMO ISKO sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang udyukan ang ahensya na kumpiskahin at isubasta ang ari-arian kapalit ng P203 bilyong utang ng pamilya Marcos sa pamahalaan.
Sa kanilang isinagawang creative protest bilang pag gunita ng Semana Santa, inihalintulad ng mga nag protesta ang di pagbabayad ng buwis kay Hudas na naging taksil kay Jesus.
Ayon sa grupo, ang di pagbabayad ng buwis ay maituturing na pagtataksil sa bayan at sa sambayanang Filipino.
Kung hindi kayang singilin sa utang ang pamilya Marcos, dapat lang na kumpiskahin ng pamahalaan ang ari-arian at isubasta na lamang bilang kabayaran sa P203 bilyong utang ng pamilya,” ayon kay Nato Agbayani ng PRIMO ISKO.