Advertisers

Advertisers

Magdasal at ‘wag mawalan ng pag-asa, payo ni Isko sa mga nasunugan sa Binondo

0 223

Advertisers

“Magdadasal kayo ha. Wag kayo mawawalan ng pag-asa. May Diyos naman eh.”

Ito ang payo ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng pamilyang nasunugan sa Binondo noong Linggo.

Si Moreno na tinulungan ni social welfare department chief Re Fugoso at third district Councilor Tol Zarcal, ay nagsabi sa mga biktima ng sunog na pinatawag sila ng alkalde kahit Linggo dahil alam niyang kailangang-kailangan nila ng tulog.



“Nalulungkot ako sa nangyari sa inyo pero life must go on. Mahirap talagdang maging mahirap lalo na kung squatter ka. Konting dila lang ng apoy ubos agad ang bahay mo,” sabi ni Moreno na dati ring squatter at namuhay bilang isang basurero sa Smokey Mountain.

“Me awa ang Diyos, mangarap tayo na pagdating ng araw, wala nang squatter sa mga pamilyang Pilipino. Nagawa na natin, naumpisahan na sa Maynila at itutuloy ito ni Vice Mayor Honey Lacuna,” sabi pa ni Moreno.

Nangako ang alkalde na na ang tanging kailangan niya lamang ay mabigyan ng opurtunidad na pamunuan ang bansa at tinitiyak niya na gagawin niya ang ginawa niya sa Maynila sa buong Pilipinas kabilang na ang mass housing program na kasalukuyang pinakikinabangan na ng nga homeless at mga mahihirap na nangungupahan sa lungsod.

“May awa ang Diyos bigyan ako ng pagkakataon, gagawin ko sa buong bansa ang ating ginawa sa Maynila,” pahayag pa ni Moreno na tinutukoy ang mga mass housing projects para sa mga residente ng Maynila na walang sariling bahay.

Ang mga proyektong ito ay Tondominium 1 and 2, Binondominium, San Sebastian Residences at Pedro Gil Residences and San Lazaro Residences.



Inatasan ni Moreno si Fugoso na mamigay ng P10,000 sa bawat pamilyang nawalan ng bahay. Ang nasabing halaga ay karaniwan ng binibigay sa mga biktima ng sunog simula nang manungkulan sina Moreno at Lacuna noong 2019.

“Kahit Linggo ngayon, gusto ko makabili agad kayo ng bubong, plywood, poste, pako, para makabalik kayo at may masilungang maayos-ayos. Gusto ko makabalik kayo agad pansamantala at makagawa ng masisilungan. Sabi nga ng nanay ko, aso nga pag naulan naghahanap ng masisilunga, tao pa kaya?” pahayag pa Moreno.

“Nasunugan ka na, basang sisiw ka pa. Ramdam ko ang hirap. Di n’yo na kailangang magsalita sa ‘kin dahil nakikita ko pa lang kayo, nauunawaan ko na kayo. Lakasan n’yo ang loob ninyo. Hinding-hindi ko kayo iiwan,” pagtitiyak nito.

Ang mahalaga, ayon pa kay Moreno sa mga biktima ng sunog ay buhay sila at maaari pang makapagsimulang muli ng kanilang buhay. (ANDI GARCIA)