Advertisers
KAKAMBYO at susuporta sa top second choice ang nag-aalanganing tagasunod nina dating Sen. Bongbong Marcos (BBM) at Vice President Leni Robredo habang nalalapit ang eleksyon sa Mayo 9, 2022.
Sinabi ito ni Aksyon Demokratiko chair Ernest Ramel sa media na pipiliin si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng mga bibitaw na supporter nina Robredo at Marcos.
“Yorme Isko being the top second choice is the (next) person they are going to look at when they change their minds,” sinabi ni Ramel.
Sa March 17-21 Pulse Asia survey, kumubra ng 23% si Yorme Isko bilang ‘top second-choice presidential candidate’ na binuntutan nina Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at Sen. Manny Pacquiao na kapwa nagrehistro ng 13% puntos.
Kapwa ‘first choice presidential candidate’ sina BBM na may 56% puntos at 24% puntos naman kay Robredo.
Sa survey, nanatili sa ‘third spot’ si Yorme Isko na may 8% voter share, na sinundan ni Pacquiao (6%) at Lacson (2%).
Sinabi pa ni Ramel, mas malaki ang tsansa ng pambato ng Aksyon dahil ayon sa independent poll opinion na Tangere, si Yorme Isko ang ‘mas gustong kandidato’ kasunod kay Marcos.
“(In Tangere), Marcos scored 48%, while Yorme Isko followed suit with a 24.21% preferential rating, then Robredo with a 21%,” paliwanag ni Ramel — na mararamdanan ang pag-akyat ng mga numero ni Yorme Isko sa susunod na survey, lalo at naiintindihan ngayon ng maraming botante ang isyu ng di-nababayarang P203-bilyong estate tax liabilities ng pamilyang Marcos.
Dati’y P23-bilyon ang utang na buwis pero lumobo ito sa P203-bilyon dahil sa patong-patong na interes at mula nang isapinal ng Supreme Court noong 1997 ang kaso sa estate tax ng yumaong dating Pres. Ferdinand Marcos Sr.
Naniniwala si Team Isko-Doc Willie campaign manager Lito Banayo na babagsak ang popularidad ni BBM bunga ng kontrabersiya ng pagtangging bayaran ang estate tax at pag-iwas sa mga presidential debates. (BP)