Advertisers
NAKU mga katoto at kabagang, talagang ramdam na ang tag-init. Hindi ikakaila na dagdag panggatong sa hilab ang papalapit na halalan. Dahil sa natuklasang mga anomalya, marami tuloy ang pagdududa sa Comelec, at sa kakayahan nitong alagaan ang sagradong balota. Hindi ikinakaila na ang karamihan ng mga nakaupo ngayon ay mga itinalaga ni Rodrigo Duterte. Sila ay Saidamen Pangarungan at Commissioner Rey Bulay na pawang naging kaklase ni Duterte sa San Beda, si Commissioners Marlon Casquejo, Aimee Ferolina, Socorro Inting, Commissioner Aimee Neri ay mga taga-Davao City. Si Commissioner George Garcia ay dating abogado ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bukod dito natalaga ang F2 Logistics, pag-aari ni Dennis Uy, isang kilalang crony ni Duterte, na mamahala sa pag-transport ng mga balota, voting machines, SD cards, election returns, atbp mula sa Comelec office papunta sa mga presinto. Sila rin ang magbabalik ng mga ito sa opisina ng Comelec.
Humigit-kumulang na 40 milyong balota na inimprenta ng Comelec na walang witness mula sa kampo ng mga kandidato o election watchdogs. Ang Comelec pala ang nag-configure ng mga SD cards para sa vote counting machines. Heto pa: ang chair ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation ay walang iba kundi si Imee Marcos. Nakakabahala ano? Marami ang mag-iisip na niyari na ang pahada bago pa man nag sultada. Panalo na ang itik sa sabong dahil mismong kasapakat ng itik ang namamahala ng sabungan. Pero nahihirapan ang mga sentensyador na isuheto ito. Dahil nangangamba sila na aani to ng hindi maganda katulad noong nangyari nag walk-out ang mga tagabilang ng Comelec na naging mitsa para pabagsakin ang diktador na ama ni Marcos Jr. Ang pangamba ay hindi na ito magiging “bloodless revolution.” Kinatatakutan ng marami, sampu ng mga kaanak ni Marcos Sr. na hindi na magkakaroon ng malalamig na ulo at sa pader na sila isasandal. Ayokong mangyari ito dahil marami ang masasawi. Pero kailangan bantayan ang karapatan natin.. Kailangan maagap ang kamalayan ng bawat mamamayan na nagnanais ng matinong pamamahala.
Opo mga higala, tatlong linggo na lang at pipila ang sambayanan sa kani-kanilang presinto upang bumoto. Ang halalan para sa ating ating mga Pinoy expats at mga OFW ay nagsisilbing “acid test.” May mga hindi magandang balitang natatanggap mula sa mga botante natin doon na diumano may ilang balota ang may marka na. Ayokong maneguro pero ito ay patotoo ng ilang botante. Heto ang sabi ng isang kababayan natin sa Vancouver, Canada. Nang tinanggap ng pamangkin niya ang balota sa koreo nagulat siya nang makitang may marka para kay Marcos Jr. Dumulog siya sa Konsulado at sa harap mismo ng staff doon pinunit niya ang balota bago ibalik sa kanila. Sa Singapore, mayroon report na may inaabot na “prefilled” na balota. Sa ganitong pagkakataon at kung may hinala na may nagaganap na dayaan sa presinto mo, mapa- OFW/Migrant, o botante sa ibang bansa man, o botante sa anumang local na presinto, heto ang paalala ng Presidential Electoral Tribunal o PET:
Huwag n’yo pong palagpasin kung meron kayong nakikita na may mali, katulad ng mga sumusunod:
1. May dati nang shade ang bilog;
2. Hindi ipinapakita sa inyo ang resibo kung talagang yung ibinoto n’yo ang nakalagay;
3. Hindi ipinapasok sa loob ng machine box or ballot box katwiran ay sira iyong machine;
4. Walang ipinakitang resibo dahil ang katwiran ay naubusan na ng paper machine;
5. Huwag kayong pumayag at gamitin ninyo ang inyong karapatan at kausapin n’yo ng mahinahon ang Board of Election Inspector (BEI) na icha-challenge ninyo iyong iyong nakita;
6. Humingi ng tulong sa mga WATCHERS dahil yan ang trabaho nila sa loob ng polling precinct at tutulungan kayo;
7. Ang gagawin ng watchers ay hihingi sila sa Board of Election Inspector ng certificate of Challenge or protest at salaysay;
8. Tapos kailangan na ilagay sa Minutes of Voting iyong challenge mo ng BEI CHAIRMAN. Ginagawa ito para talagang ma-secure ang halalan. Magagamit ang challenge of protest n’yo pag may reccounting at may pagbabasehan ang nagprotesta. Umpisa pa lang yan at lalong iinit pa kapag nag-umpisa na ang botohan sa Mayo 9.
Huwag magpalinlang sa mga huwad na balita. Laging alamin ang katotohanan. Magbasa at makilahok sa malaya at mahinahon na diskurso. Tandaan natin ang kinabukasan nag ating mga mahal sa buhay ang nakasakay sa tatak mo sa balota. Huwag pahintulutan dayain tayo sa ating sagradong karapatan. At sa mga nagtatangkang gumawa ng kabulastugan, may hulog kayo ngayon, natututo na ang sambayanan magnilay at hindi na sila niloloko ng inyong mga pambobola. Marami na ang “woke” kaya hindi na uubra ang style ninyong bulok. Konting araw na lang marami pang kaganapan at tawid-bakod ang masasaksihan.
Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
Mga Sapantahang Nalambat: “Links to an alleged fake sex video involving Aika Robredo, Vice President Leni Robredo’s eldest daughter, are being investigated, the Department of Justice Office of Cybercrime…” – Charito Zamora, OIC, DoJ
“Why was there secrecy in Comelec’s printing of 40M ballot forms?… Why were there no Party representatives present?… Why were there multiple incidents of pre-shaded ballots in favor of Marcos and Sara?… QUESTIONS, QUESTIONS! And not a word from Comelec?…” – Mac Zamora
“This 2022 election is the first of its kind. Literally, right vs evil, genuine news vs fake news, people’s money vs ill gotten money being used in the campaign, the chance to have a good gov’t or make it Hell-bound… Think of our children…” – Butch del Rosario
” When you see people posting fake news online, call them out. They are NOT EXPRESSING their OPINION; yhey are spreading lies… Correcting a mistake is an act of Charity…” – Fr. John CM
“Don’t fear the enemy that attacks you, but the fake friend that hugs you!…” – Confucius
“Beware of unity based on money, political power” – Archbishop Soc Villegas
“Kung walang solid north mas lalong, wala rin imperial Davao…” – Butch Rama
***
mackoyv@gmail.com