Advertisers
The comfort of the rich depends upon an abundant supply of the poor. — Voltaire
MAITUTURING na isang malaking sindikato ang local political party — Asenso Manileno na itinayo ng pamilyang Lacuna sa Maynila noong 2004.
Ito ang lumalabas na komento ng maraming Manileno kung pagbabasehan ang recent conviction ng pamilya ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna sa Sandiganbayan anti-graft court kaugnay sa forfeiture case ng ill-gotten wealth.
Mga ari-arian naipundar mula sa pawis ng taumbayan!
***
NAITAYO ang Asenso Manileno para makopo ng Partido ang kaban ng pondo ng Maynila at sila-sila kapartido ang umasenso. Kinopo pati mga posisyon sa city hall — Dennis Lacuna, sa city planning, Poks Pangan, sa city health, Lei Lacuna at Philip Lacuna, konsehal, mga kumpare at kumare
Conspiracy o magkakasabwat rin ang mga miyembro ng city council ng Asenso Moreno/Lacuna upang makontrol nila ang pagpapatakbo ng city hall.
Gaya ng nangyayare ngayon sa Manila City Council.
KONSEHO, SINDIKATO!
ANG kasalukuyang estado ng city council na pinamumunuan ni VM Lacuna na nagsisilbi rin presiding officer ay mistulang rubber stamp ni Yorme Isko, sunod-sunuran sa mga nais na gusto gawin ng Alkalde.
Sa 38 konsehal na bumubuo ng konseho, 1 lamang ang hindi kasali sa kanilang “sindikato” (si Konsehal Peter Ong).
Walang check and balance, ang meron lang cheque!
***
KAYA naman kahit illegal ang pagkakabenta ng Divisoria Public Market, busal ang bibig ni konsi. Wala ng public hearing, wala ng notice, notice.
Gayundin ang mga overprice na rehabilitasyon ng Manila Zoo na nagkakahalaga ng P1.7B, ang pangungutang ng P25B na napunta lamang sa mga ambisyosong beautification projects.
Malinaw, ang konseho ay isang sindikato!
KUMPISKAHIN ANG ILL-GOTTEN WEALTH
NG MGA LACUNA – SANDIGANBAYAN
MGA katoto Manileno, alalahanin ang conviction ng pamilya ni VM Honey Lacuna sa Sandiganbayan 3rd Division matapos mapatunayan ill-gotten wealth ang mga naipundar ng kanilang magulang na sina dating Vice Mayor Danilo Lacuna at kanyang ina si Melanie “Inday” Honrado-Lacuna.
Mga nakaw, kaya ipinasasauli ng Sandiganbayan 3rd Division pabor sa gobyerno ang kinatitirikan bahay at lupa ng pamilyang Lacuna sa No. 3802 Biyaya St., Bacood, Sta. Mesa (Biyaya Property); House and Lot na nasa No. 541 Saklolo cor Biyaya Sts., sa Sampaloc (Saklolo Property) na ilegal na naipundar ni Lacuna bilang Vice Mayor noong 1999.
Asenso Lacuna lang talaga!
***
ITO pa, ang malaking lote sa Tagaytay City na nagkakahalaga ng P2.8M (Tagaytay property), na nabili noong 2000; isang Honda CRV at Hyundai Starex; limang (5) shares of stocks na umaabot sa P6,605,000 na siyang nakasaad sa isinumite nilang statement of assets and liabilities network (SALN).
Malinaw ang sabi ng Sandiganbayan 3rd Division noong July 7, 2020 na “unlawfully acquired” ang mga properties: “This disproportion creates a disputable presumption that the properties acquired from 1998 to 2004 were unlawfully acquired and that the respondent=spouses have the burden of rebutting the presumption.”
Kagarapal na pamilya!
ANG HIDDEN AGENDA NI HONEY LACUNA SA MAY 9
AT ‘yan ang pangunahing dahilan o hidden agenda nang pagtakbo Mayor ni Honey Lacuna sa Maynila, hindi upang paglingkuran ang Manileno, kundi para maibalik ang mga nawala nilang ari-arian dahil sa kumpiskayon iniutos ng Sandiganbayan.
Dapat tayong magising na ang mga ganitong klase kandidato ay hindi dapat iboto, bagkus dapat ibaon sa inidoro sampu ng kanilang kasama sa Asenso Manileno.
Nakupoo, Gising Manileno, ‘wag nang magpapabudol!
***
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)