Advertisers

Advertisers

Ginogoyo lang ng ilang governors si BBM

0 199

Advertisers

Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.

Oo! Maliwanag pa sa sikat ng araw na ginogoyo at pondo lamang ang habol ng local candidates kay presidential aspirant Bongbong Marcos, Jr.

Tulad nitong mga gobernador na nanumpa kuno ng suporta kay BBM na ipapanalo ito ng landslide sa kani-kanilang probinsiya.



Samantalang nang magsagawa ng campaign rally si BBM sa probinsiya ay wala pa sa kalahati ang mga dumalo kumpara sa rally ni Leni Robredo na napupuno ang public plaza o sports complex hanggang mga kalye sa paligid.

Maari ngang malakas si BBM sa ibang probinsiya, pero mahinang mahina sa ibang lalawigan.

Tulad sa Romblon, hindi makapagsagawa ng rally si BBM dahil manipis ang may gusto sa kanya rito, kumpara kay Robredo na umabot sa 10K ang dumalo nang magsagawa ng People’s rally sa bayan ng Odiongan, Tablas island.

Kahit ang caravan ni BBM sa Romblon ay “no match” sa caravan ng kakampinks na karamihan ay kabataan.

Sabi nga ng Romblomanon: Ginogoyo lang ni Romblon Gov. Otik Riano si BBM sa pagsabing ipapanalo niya ng landslide si BBM sa Romblon province.



Gayun din sa Pampanga, sabi ni Governor Dennis Pineda, anak ng gambling lord na si Bong Pineda, landslide ang magiging panalo ni BBM sa kanyang lalawigan. Paano kaya mangyayari ito eh hindi nga makapagsagawa ng malaking rally rito si BBM, kumpara kina Robredo na dinaluhan ng halos kalahating milyon!

Maging sa Tarlac, sinabi ni Gov. Susan Yap na ilalampaso ni BBM si Robredo sa kanilang probinsiya. Sus! Eh nang magsagawa ng rally ang BBM-Sara (Duterte-Carpio) sa Tarlac ay wala pa sa kalahati ng crowd ng Leni-Kiko People’s rally. Ewan!

Ang iba pang governors na nanggogoyo kay BBM ay itong sina Dax Cua ng Quirino, Rodito Albano ng Isabela, Florencio Miraflores ng Aklan, Rebeca Ynares ng Rizal, Phillip Tan ng Misamis Occ., Eduardo Gadiano ng Occ. Mindoro, Alexander Pimentel ng Surigao del Dur, Danilo Suarez ng Quezon, Hermilando Mandanas ng Batangas, Bonifacio Lacwasan ng Mountain Province, Bai Mariam Mangudadatu ng Maguindanao, Suharto Mangudadatu ng Sultan Kudarat, Arthur Yap ng Bohol at Gwendoline Garcia ng Cebu.

Karamihan sa mga gobernador na ito ay nahaharap sa kasong Graft and Corruption, ang iba’y convicted na ng graft court at nakaapela lamang sa Korte Suprema. At iba’y mga dating “tao” ni dating President Gloria M. Arroyo na sumusuporta rin kay BBM matapos ipakulong ng Aquino administration dahil sa mga kaso ng katiwalian.

Sa latest survey ng Pulse Asia at SWS, si BBM ay malaki parin ang lamang kay Robredo. Pero kung pagbabasehan ang mga nagdaang rally ng dalawang mahigpit na magkalabang presidentiables, lamang na lamang si Robredo.

Ayon sa prediction ng Google, mananalo si Robredo laban kay BBM. Ito rin ang prediction ng mga political analyst.

So far, patuloy ang paglipat ng supporters ng ibang presidentiables sa kampo ni Robredo.

Sabi ng mga analyst, nasa kay Robredo na ang momentum. Say nyo, repapips?