Advertisers
KUMBAGA sa boksing, kahit na malaki ang kalamangan ng liyamadong boxer , penultimate round na at kanya na ang korona ay di pa rin tumitigil ang bara-barang suntok ng bugbog-saradong dehadong kalaban.
Kahit na halos di na makakita ang saradong mata, di na makakilos ang bugbog nang katawan, mabibigat na ang mga paa ,umaasa pa ring makakatsamba pa ito ng SUNDAY PUNCH na makakapagpabulagta sa nakalalamang at winning nang kalaban.
Ginamit na ng dehadong fighter ang lahat ng dirty tactics upang i-knock-out ang patuloy na pumupuntos na winning boxer na tiyak nang hindi iindahin ang tsambang suntok ng desperate dahil wala na itong sting o kamandag kaya ang final na batingting ng bell na lang ang inaantay upang itaas ang kamay ng wagi para itanghal ang bago nang kampeon. Tapos ang boksing….BBM-SARA na..MARCOS ang Presidente, Si SARA ang Bise…ABANGAN!!!
ANYARE SA ILANG KATOLIKONG KAPARIAN?
LIHIS na sa katotohanan ang ginagawa ng ilang KAPARIAN sa ‘Pinas.
Mantakin ba namang gamitin sa kanilang balikong hangarin na gamitin ang pulitika sa kanilang simbahan upang lituhin at sermunan si ang saradong katolikong si Juan na iluklok sa kapangyarihan ang panangangalandakan nilang manok na pink pagdating ng halalan.
Buong akala ng mismong ginagamit na laruan o instrumento na siya ay sinasamba na ng mga kampon ni Padre Damaso dahil kahit sa mismong tahanan ng Diyos ay ipinangangalandakan ang kulay pulitikang rosas nito na mapusyaw upang siya’y iluklok sa Malacañang huwag lang ang kanilang kinamumuhiang political clan para sa sariling interes ng mga KONYO sa lipunan.Ginawa pa nilang santa ang ‘kinang ng ina nila.
Loob ng simbahan sigaw ng pulitika ang umaalingawngaw…
Diyos ko po…ang ilang Oh-bispo..patawarin niyo sila…MALI ang turo ng mga PARI!!
Lowcut:Shoutout sa staff ng nakahabol na Senatoriable Dr.Luther Meniano na si Ms.Marilou Concepcion Caragdag.Dagdag boto mga kaisport kay Dr.Luther na ang plataporma ay ..heal the nation!Kudos to Buklod Bayang Magilas Pilipinas..MABUHAY!