Advertisers
Ni BETH GELENA
VIRAL sa socmed ang biglang pagkagulantang ni Mariel Rodriguez Padilla habang siya ay nag la-live selling online.
Bigla kasing nahulog ang electric fan.
Sigaw ni Mariel, “ay ang electeic fan nahulog, nahulog!”
Guest si Mariel ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube Channel.
Kaya tanong ni Ogie kung scripted ang pakakahulog ng electric fan.
“ Hindi… talagang nahulog siya.”
Ayon pa sa dating TV host, ang dami raw pumik-up ng eksenang yun at ipinost sa kanilang Tiktok.
“Na-amaze ako sa kanila, imagine pinikup nila ang eksenang yun at nilagay nila sa kanilang TikTok. Ginaya talaga nila ang ginawa ko hahahaha at ang gagaling talaga nila.
Ang isa sa higit na 7inatuwa ng misis ni Robin Padilla ay nang may gumawa ng remix ng ‘Nahulog ang electric fan.’
Pinasalamatan niya ang gumawa ng kanyang viral video.
Nakarating agad kay Mariel ang remix video Ilang oras matapos itong ma-post sa TikTok.
Ang gumawa ng remix ng kanyang viral video ay isang kilalang TikToker na nagngangalang Sean Al na kilala sa paggawa ng mga remix.
Nilagyan din ni Sean ng parody na labis ding kinagiliwan ni Mariel dahil kuhang-kuha ng komedyante ang detalye ng kanyang video
Pinasalamatan niya ang gumawa ng remix ng nahulog ang electric fan.
Ibinahagi ni Sean ang kanyang panibagong proyekto na ginamit niya ang live video ni Mariel.
“Ay, yung electric fan… Oh my Gosh, ‘yung electric fan nahulog… nahulog,” ang isang bahaging ginamit sa naturang remix.
Ipinost ni Mariel ang naturang video at nilagyan ng caption na “Omggggg. Maraming salamat sa gumawa… Ako na ang may kanta.”
May idinagdag ang gumawa ng sarili niyang lyrics sa remix kaya naman umabot na sa 2 minutes at 34 seconds ang kabuuan ng kanta.
Nilagyan din niya ito ng iba pang video na tila nagbigay na rin ng choreography sa nabuong awitin.
Sadyang napakatalino talaga ng mga Pinoy pagdating sa paglikha ng musika.
By the way, ayon kay Mariel ang nasirang electric fan na nahulog ay agad na pinalitan ni Robin ng dalawang aircon.
Natanong din ng batikang manunulat kung ano ang matinding ikinagalit ni Robin sa kanya
Sandaling nag-isip si Mariel, sabay sabing, “may tumawag sa akin .. kaibigan daw siya ni Robin which is true naman… magbibigay daw siya ng tulong. Hiningi niya ang account number.. binigay ko yung Cooking Ina number. I told Robin dun siya galit na galit. Bakit ko daw binigay. Mabuti agad niyang nagawan ng paàaan.”
Ayon pa kay Mariel, dun daw tàlaga niya nakita kung pano magalit ng matindi ang kanyang mister.
“Hindi niya ako kinakausap buong maghapon. Lahat ng niluto ko umaga, tanahalian, gabi hindi niya kinain. Nasa labas lang ng kwarto at talagang hindi siya lumalabas ng kwarto as in hungèr strike siya.
“Kaya ngayon kapag may tumatawag uli at sinasabing magbibigay ng tulong binibigay ko na yung number niya bahala na silang mag-usap.”
***
MAJA MAY PARUNGGIT ANG NETIZENS SA PARTYLIST ENDORSEMENT
KINUKWESTYON ng mga netizen ang pag-eendorso ni Maja Salvador sa isang party list group na bumoto ng yes against ABS-CBN Franchise.
Sa Instagram post kasi ng actress, may nakasulat na “sinusuportahan ko ang @pba_partylist
“Intense ako maghanda para sa performances ko, malaki man o maliit. Kaya excited ako ishare sainyo na nakahanap ako ng mga kakampi na tulad ko pagdating sa pagpapakita ng pagmamahal sa ating larangan at sa kabataan!
“Maraming salamat sa PBA Partylist sa pagbibigay ng supoàta sa mga #AtletangPinoy, pati na rin sa mga gaya kong nagsusumikap para magtagumpay! Kaya sa darating na election, samahan nyo po akong iboto ang #52 sa balota @pba_partylist! #Talagang KakampiA” ngPBA! #LabanPBA”
“Kung nagawang vote against ABS Franchise ang mga tongressmen na yan just to please their idol administration expect that magiging di makatuwiran din ang kanilang gagawing hakbang sa iba pa kaya dapat di iboto ang mga yan.”
***
NI-REVEAL na ni KC Concepcion ang proyektong gagawin sa New York.
Post niya sa kanyang socmed, Onto day 3 of filming @asianpersuasionfilm! Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew, caption ni KC.sa larawang ipinost.
Dinagsa ng congratulatory messages ang mega daughter nang i-post niyang naka-third day na sila sa filming ng Asian Persuasion.
Kasama rin sa movie sina Kevin Kreider ng Bling Empire, Paolo Montalban, Jax Bacani, Celia Au, Geneva Carr, Fe delos Reys, Devin Ilaw and Tony Labrusca though sa full cast announced article na lumabas sa Variety.
Hindi rin pala si KC ang nasa original cast ng Asian Persuasion kundi ang original announcement ay si Toni Gonzaga ang kasama sa movie at hindi si KC.
Anyway, it’s.good naman for KC dahil for how many long years ay back to showbiz na siya.
Matatandaang bago huminto si KC sa paggawa ng movie ay nanalo pa siya sa 30th PMPC Star Awards for Movies sa pelikulang Boy Golden, Shoot To Kill the Arturo Porcuna Story noong 2014.