Advertisers

Advertisers

Hirit ng NGO; La Union isama sa Comelec control!

0 1,407

Advertisers

BILANG pagtitiyak sa kapayapaan ng isasagawang halalan sa May 9, 2022 ay hinihiling sa COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) ng NON GOVERNMENT ORGANIZATION (NGO) na binubuo ng PEACE-LOVING PEOPLE mula sa ILOCOS REGION na isama ang LA UNION PROVINCE sa listahan ng AREAS OF CONCERN.

Hiling ng CRUSADERS FOR PEACE sa COMELEC at sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) na magpakalat ng maraming SECURITY PERSONNEL sa lalawigan ng LA UNION para sa NATIONAL and LOCAL ELECTIONS dahil sa mga engkuwentro ng POLITICAL VIOLENCE at mga naiuulat na mga armadong grupong namamataan sa nasabing proninsiya.

“We ask Comelec and the PNP to declare La Union among the areas of concern to prevent further loss of lives, violence and intimidation during the election and campaign period,” saad ng CRUSADERS FOR PEACE.



Ang rekomendasyon ng PNP at ng ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES na listahan ng COLOR-CODED AREAS OF CONCERN sa mga ELECTION HOTSPOT ang siya ring pinagbasehan ng COMELEC.., na isasapubliko pa lamang sa mga susunod na araw.

Ang mga lugar na mamarkahang GREEN COLOR ay yaong hindi na kailangan pa ng security concern; ang YELLOW COLOR naman ay para sa area of concern; ang ORANGE COLOR ay para sa mga lugar ng immediate concern.., na, ang mga nabanggit na AREAS OF CONCERN ay isasailalim sa COMELEC CONTROL katuwang ang PNP at AFP.

Kamakailan ay nagsumite ang PNP ng listahan ng may 109 MUNICIPALITIES at 14 CITIES na isasailalim sa RED CATEGORY para sa MAY 9 ELECTIONS.., gayunman ay hindi pa idinideklara kung ano-ano ang mga lugar na yan.

Ipinunto ng CRUSADERS FOR PEACE na ang pagsasailalim sa COMELEC CONTROL sa lugar ng LA UNION ay maiiwasan ang mga POLITICAL VIOLENCE tulad sa naging kaganapan noong taong 2018.., na karamihan sa mga naganap na POLITICAL KILLINGS ay nananatiling hindi naresolba magpahanggang ngayon.

Inihayag ng grupo na kailangang arestuhin ang mga sangkot sa May 12, 2018 SLAYING kay dating 2nd DISTRICT REP. FRANNY ERIGUEL.., na si ERIGUEL at 2 pa niyang kasama ay sinalakay ng.mga armado noong gabi ng nasabing petsa sa kanilang PITICAL.RALLY para sa VILLAGE OFFICERS ng BRGY. CAPAS, AGOO. Si ERIGUEL ay nagtamo ng 8 bala sa kaniyang ulo, dibdib, braso at paa.



Sa pagkakapaslang kay ERIGUEL ay nagsimula na noon ang mga HIGH-PROFILE KILLINGS sa naturang lalawigan…, na si SUDIPEN MAYOR ALEXANDER BUQUING ay pinaslang kasama ang kaniyang security escort noong October.., na, noong November naman ay napaslang si BALAOAN VICE MAYOR ALFRED CONCEPCION kung saan ay sugatan din ang kaniyang anak na babae na si MAYOR ALELI CONCEPCION sa nasabing insidente.

“To avoid more violence as the election approaches, we hope that government security forces will be deployed in La Union to protect lives and ensure the conduct of peaceful elections,” saad ng Crusaders for Peace.

Nitong nakaraang taon ay nadiskubre ng LA UNION POLICE ang assassination plot laban kay REP. SANDRA ERIGUEL na balo ni REP. FRANNY ERIGUEL kasunod ang pagkakaaresto ng ilan sa mga bumubuo ng assassination squad.

Sa pagkakaaresto ng ilan sa assassination squad ang ikinadiskubre umano sa planong asasinasyon sa incumbent member ng HOUSE OF REPRESENTATIVES at 2 TOWN MAYOR bago sumapit ang 2022 ELECTIONS.

Ipinapanawagan pa ng CRUSADERS FOR PEACE sa COMELEC na pagtuunan ang insidente kamakailan na ang AGOO MAYOR CANDIDATE ay inakusahang nambugbog ng campaign supporter ng kalabang partido.

Si MAYOR CANDIDATE FRANK O. SIBUMA ay kinasuhan sa OMBUDSMAN ni MOISES ORDONA, edad 54 na campaigner at supporter ni LA UNION 2nd DISTRICT REP. ERIGUEL hinggil sa umano’y grave threats, grave coercion at physical injuries. Sa reklamo ni ORDONA ay nagtamo umano siya ng multiple injuries, kabilang na ang rib fracture dulot ng pambubugbog sa kaniya ni SIBUMA.

Si SIBUMA na kabilang sa PEOPLES REFORM PARTY ay kumakandidato laban kay incumbent AGOO MAYOR STEFANIE ANN Y. ERIGUEL na anak ni REP. SANDRA ERIGUEL at ng napaslang na si REP. EUFRANIO ERIGUEL.

“These incidents should serve as a wake-up call for the Comelec and the PNP to increase their monitoring and protection of La Union province which is traditionally a hot spot of political violence during elections,” pagpupunto ng CRUSADERS FOR PEACE.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.